Sunday , December 22 2024
Migz Zubiri Gibo Teodoro Ayungin Shoal WPS

Zubiri nanawagan agarang modernisasyon ng AFP at PCG (sa insidente ng Ayungin Shoal)

BINIGYAN-DIIN ng dating Pangulo ng Senado na si Juan Miguel Zubiri ang kritikal na pangangailangan na imodernisa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa marahas na sagupaan noong Hunyo 17 ng Chinese Coast Guard at mga tropa ng Philippine Navy malapit sa Ayungin Shoal.

Hindi na sapat ang pag-condemn sa China,” ani Zubiri noong Biyernes, Hunyo 21. “Kahit pa maraming sektor ng pandaigdigang komunidad ang matatag na sumusuporta sa atin, hindi natin matitinag ang China. Malinaw na nais nilang patuloy na gamitin ang kanilang lakas para mapasok ang ating teritoryo at ang ating eksklusibong economic zone.”

Ibinida ni Zubiri ang P6-B badyet para sa AFP at P2.8-B para sa PCG sa pambansang badyet ng 2024, na nakatuon sa modernisasyon ng kanilang mga kagamitan upang paghandaan ang palakas na palakas na aksiyon ng China sa South China Sea.

Binanggit din niya ang bagong pinasa na New Government Procurement Act, na makatutulong para, “mabilis na mabilis ang mga kinakailangang kagamitan para sa ating matatapang na sundalo, na nagbubuwis ng kanilang buhay para sa soberaniya ng ating mahal na bansa.

Nakahanda na ang badyet, at parating na ang batas. Nananawagan ako sa lahat ng mga nasa gobyerno na kumilos ng may pinakamataas na agarang pagkilos upang maisakatuparan ang ating mga plano sa modernisasyon, at para makapag-set up tayo ng mas malakas na depensa sa West Philippine Sea,” giit pa ni Zubiri.

Binigyang-diin din ni Zubiri ang kahalagahan ng paghahanda dahil sa tumitinding karahasan malapit sa BRP Sierra Madre, na ang mga tauhan ng Chinese Coast Guard na may dalang bolo at palakol ay ilegal na sumampa at bumangga sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas sa isang resupply mission, na nagdulot ng pinsala sa mga inflatable hulls at mga sugat, kabilang ang isang tauhan ng Navy na nawalan ng hinlalaki.

Nakita naman po natin sa mga ini-release na video kung paano kinawawa, pinagtulungan at parang kinuyog ang ating mga magigiting na sundalo, isa po ay nagtamo pa ng seryosong pinsala sa katawan,” sabi ni Zubiri. “Ang pag-usad ng ating programa sa modernisasyon ng puwersa ay ang tanging paraan pasulong. Hindi man natin kayang tapatan ang lakas ng China, madadagdagan natin ang ating puwersa sa pagpapatrolya ng West Philippine Sea,” dagdag pa niya.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …