SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
COLLABORATION at hindi showdown. Ito ang tinuran ni Jed Madela nang matanong kahapon sa mediacon ng kanyang 47th birthday concert na Welcome to My World na ginanap sa Tipsy Pig, QC ukol sa kung okey sa kanyang makipagtapatan kay SB19 Stell.
Ani Jed, mas ok sa kanya kung makikipag-collab na lang siya kay Stell. At okey naman sa kanya at hindi nega ang dating ng pagkokompara ng netizens sa kanila ng miyembro ng SB19.
“Oh, yeah, he’s amazing! He’s very, very good! Ang galing ng range niya, grabe! Grabe ‘yung range niya, I remember myself 20 years ago, hahaha! But you know, I’m just so happy that there are more avenues for artists like Stell. Kasi dati, ‘pag sinabing balladeer, kailangan Martin Nievera-sounding, Gary V- sounding, ‘di ba?
“And now, we have a lot of, you know, nagiging diverse na ‘yung sound ng balladeer ngayon. So, yeah, I watched his peroformance sa David Foster concert, ang galing! I watched his performance, I think he guested in Erik Santos’ concert in the US. Tuloy-tuloy na ‘yan kasi he’s very good. And as long as, you know, you really stick to your core, tuloy-tuloy ‘yan,” sabi ng Kapamilya singer nang nakarating sa kanya ang reaksiyon ng ina ni Charice Pempengco na katimbre ng boses niya si Stell.
“Collab na lang, wala nang showdown-showdown. Ito kasi, it’s just so funny kasi, you know, we have this tendency of pitting artists against each other na, you know, sinong mas magaling, sinong mas mataas ang boses, sinong mas pogi, sinong mas payat,” giit muli ni Jed.
“It all ends up with everybody fighting, ‘di ba? so if it’s going to be a collaboration for something beautiful and everybody will enjoy, the fans of Stell, the fans of Jed Madela will enjoy, mas masaya, di ba? Kesa, ‘eh, mas magaling si Jed sa part na ‘yon,’ ‘mas magaling si Stell sa part…’ it’s just going to be the negative effect sa mga fans, mag-aaway-away.
“So, ako, as much as possible, I just want everybody to be at peace. Mag-enjoy tayo. Kasi at the end of the day, ‘yung bashing, pag-aaway, wala ring kapupuntahan. May masasaktan lang. So, collaboration would be a good idea.”
Sinabi pa ni Jed na gusto niyang original material ang pagsaluhan nila ni Stell sa performance.
“Somebody has to, you know, write an original song that’s going to be tailor-fit for our voices. Kasi, oo, mataas boses naming dalawa, but it’s not the same. I mean, iba ‘yung quality ng boses ni Stell, iba rin ‘yung akin. So, it has to be tailor-fit for our voices. But ‘pag cover, siguro… ‘All by Myself?’ Hahaha! Nagulat nga ako, ibinalik nila ‘yung ‘All by Myself’ ko sa ‘ASAP’ noon, eh. Siyempre, may nagdikit na naman, ikinompara, ayan na, nagsimula na naman ‘yung away. Com’on guys!” wika pa ni Jed.
Samantala, ang Welcome to My World birthday concert ni Jed ay gaganapin sa Music Museum sa July 5.