Friday , November 15 2024
Janine Gutierrez Jake Ejercito Gabbi Garcia Eric Quizon

Janine, Gabbi, Jake host ng 7th EDDYS  

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAS magniningning pa ang Gabi ng Parangal para sa gaganaping 7th The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice ngayong 2024.

Kung bakit? Ito’y dahil tatlong celebrities ang magsisilbing host ng ika-7 edisyon ng The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Una na riyan ang itinanghal na Best Actress sa 6th EDDYS na si Janine Gutierrez (para sa pelikulang Bakit Di Mo Sabihin?) kasama ang Kapuso Millennial It Girl na si Gabbi Garcia, at movie at TV actor Jake Ejercito

Nagmarka si Janine sa ABS-CBN series na Dirty Linen at inaasahang gagawa uli ng kasaysayan sa upcoming Kapamilya serye na Lavender Fields.  

Umani naman ng papuri si Gabbi sa pagiging host ng Miss Universe Philippines 2024 last month na bibida uli sa Encantadia Chronicles ng GMA 7 ngayong taon.

Pinag-usapan naman si Jake sa top-rating series ng ABS-CBN na Linlang at Can’t Buy Me Love.  Pinuri rin siya sa blockbuster film na A Very Good Girl na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon.

Inaasahang mas magiging matindi ang labanan sa ikapitong edisyon ng The EDDYS. Magbabakbakan ang limang de-kalibreng pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at online platform nitong nagdaang taon na gumawa ng ingay at nagmarka sa mga manonood.

Ang mga nominado sa kategoryang Best Film ay ang About Us But Not About Us  (The IdeaFirst Company, Octoberian Films, Quantum Films); Firefly (GMA Pictures, GMA Public Affairs); GomBurZa (Jesuit Communications, MQuest Ventures, CMB Film Services); (Project 8, GMA News and Public Affairs, Terminal Six Post); at Mallari (Mentorque Productions, Clever Minds Inc.).

Nominado naman sa kategoryang Best Director sina Derick Cabrido (Mallari); Pepe Diokno(GomBurZa); Zig Dulay (Firefly); Jun Robles Lana (About Us But Not About Us); Carl Joseph Papa (Iti Mapukpukaw).

Magpapatalbugan sa pagka-best actress sina Kathryn Bernardo (A Very Good Girl); Charlie Dizon(Third World Romance); Julia Montes (Five Breakups And A Romance); Marian Rivera (Rewind); Vilma Santos (When I Met You In Tokyo); at Maricel Soriano (In His Mother’s Eyes).

Nominado naman sa Best Actor category sina Elijah Canlas (Keys to the Heart); Dingdong Dantes(Rewind); Cedrick Juan (GomBurZa); Piolo Pascual (Mallari); Alden Richards (Five Breakups And A Romance); Romnick Sarmenta (About Us But Not About Us).

Para sa kategoryang Best Supporting Actress nominado sina Dolly de Leon (Keys to the Heart); Alessandra de Rossi (Firefly); Gloria Diaz (Mallari); Gladys Reyes (Apag); at Ruby Ruiz (Langitngit).

Sa Best Supporting Actor category maglalaban-laban sina Enchong Dee (GomBurZa); Keempee de Leon (Here Comes The Groom); Nanding Josef (Oras de Peligro); Roderick Paulate (In His Mother’s Eyes); at JC Santos (Mallari).

Ang 7th The EDDYS ay gaganapin sa July 7, Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts sa Pasay City. 

Mapapanood ang delayed telecast ng idaraos na Gabi ng Parangal sa ALLTV sa July 14, 10:00 p.m. Ito’y muling ididirehe ng award-winning actor at filmmaker na si Eric Quizon.

Ang Brightlight Productions ang line producer ng awards night.  

Sa pakikipagtulungan ng Newport World Resorts at ALLTV, kasama pa rin ng SPEEd sa pagtatanghal ng The 7th EDDYS ang Globe Telecom bilang major sponsor.

Katuwang din ng grupo ngayong taon  ang Beautéderm ni Rhea-Anicoche TanUnilab, Camille Villar, former Ilocos Sur Governor Chavit Singson, at Echo Jam.

Ang annual event na ito na mula sa samahan ng mga entertainment editor sa Pilipinas ay nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pelikula at personalidad na itinuturing na “best of the best” sa Philippine Cinema.

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas, sa pangunguna ng presidente nitong si Salve Asis ng Pilipino Star Ngayon atPang Masa.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …

Winnie Cordero Amy Perez

Tita Winnie, Tyang Amy masaya, pressured sa balik-Teleradyo 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAGKAHALONG saya at lungkot ang naramdaman kapwa nina Winnie Cordero at Amy Perez sa …

Andrew Gan

Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin …

Jasmine Curtis-Smith John Lloyd Cruz Dahlia Erwna Heussaff Anne Curtis

Jasmine aminadong naiinggit kay Anne na mayroon ng Dahlia

RATED Rni Rommel Gonzales NAITANONG kay Jasmine Curtis-Smith kung ano ang reaksiyon ng boyfriend niyang si Jeff Ortega sa …