GRABE pala ang paghanga ni David Licauco kay Kathryn Bernardo. Maging si Barbie Forteza ay wish nitong makatrabaho ang Box-Office Queen na si Kathryn.
Sa media conference ng pinakabagong pelikulang pinagsamahan nina David at Barbie, ang That Kind of Love na mapapanood sa July 10 handog ng Pocket Media Productions and distributed by Regal Entertainment, sinabi ng dalawa ang sobra-sobrang paghanga sa Kapamilya actress.
Ani David matagal na niyang mina-manifest na makasama sa isang proyekto si Kathryn at magkaroon ng Star Cinema movie. Dahil dito naikompara na rin si Barbie kay Kathryn. At natanong kung saan mas pressure ang aktres, ang pagkokompara sa kanila ni Kathryn o ang posibleng pagkakaroon nila ng relasyon ni David.
“Actually, naku, hindi ko alam kung paano ko po sasagutin ‘yan. Kasi aaminin ko, isa rin po si Miss Kathryn Bernardo sa mga taong nilu-look up ko sa showbiz.
“She really handles her career and personal life really, really well. And that is why there’s no doubt kaya maraming brands ang naa-attract niya.
“Dahil ganoon niya talaga dalhin ang sarili niya. And so to be acknowledged or to be noticed na kahit paano ay parehas, very big honor for me.
“And sana, sana magkatrabaho kaming dalawa dahil isa rin siya talaga sa mga gusto kong makatrabaho, at isa sa mga ina-admire kong actors of our generation,” sagot ni Barbie.
Mapapansood na ang That Kind of Love sa July 10, sa mga sinehan nationwide. Kasama rin dito sina Arlene Muhlach, Al Tantay, Jeff Gaitan, Divine Aucina, Ivan Carapiet, at Kaila Estrada. Ito’y mula sa panulat ni Ellis Catrina at idinirehe ni Catherine Camarillo.