MA at PA
ni Rommel Placente
ISA ang tinaguriang Star For All Seasons na si Vilma Santos sa mga ninang sa kasal nina Carlo Aquinoat Charlie Dizon pero hindi ito nakarating.
Bumawi naman si ate Vi sa mga bagong kasal. Nag-treat siya ng dinner kina Carlo at Charlie.
Ipinost ni ate Vi sa kanyang Instagram account ang picture at video ng dinner nila nina Carlo at Charlie.
“Dinner with my inaanak, love you both! Carlo and Charlie,” caption ni ate Vi.
Sa video, makikita rin na binigyan ni ate Vi ng bouquet of flowers si Charlie, bilang pagbati niya sa pagkapanalo nito bilang Best Actress sa katatapos na 47th Gawad Urian Awards para sa mahusay nitong pagganap sa pelikulang Third World Romance.