PAGKATAAN ng matagumpay na partnership last year, masayang inanunsiyo ng Beautéderm founder na si Rhea Tan ang panibagong partnership sa Bb. Pilipinas.
Proud na sinalubong ni Tan ang official candidates ng Bb. Pilipinas 2024 sa Beautéderm Headquarters noong Friday, June 14, bilang bahagi ng kanyang adbokasiya na i-guide ang mga kababaihan sa entrepreneurship at self-care.
Kabilang sa spotted candidates ay sina Bb. Baguio, Bb. Quezon City, Bb. Bacolod City, Bb. Zamboanga City, Bb. Batangas City, Bb. Negros Occidental, Bb. Quezon Province, Bb. Bukidnon, Bb. Cavite, Bb. Pampanga, at Bb. Mandaluyong.
“I hope this partnership will inspire and empower Filipinas across the country to feel confident and beautiful in their own skin, and whatever career path they choose to be in,” saad ng Beautéderm boss.
Dagdag pa ni Tan, “Binibining Pilipinas organization has been helping women for so many years. I’m grateful for this partnership, celebrating talented, smart, and beautiful Filipina. These young women may find inspiration and learnings from what I went through in my business journey. I am willing to share what I can and impart guidance.”
May 22 nang pumirma ng kontrata si Tan kasama ang ilang Bb. Pilipinas executives. Kaabang-abang ang partnership na ito dahil isang malaking beauty brand ang Beautéderm.
Ibinahagi rin ng business magnate na ang makasusungkit ng Ms. Beautéderm title ay mag-uuwi ng P500,000 worth of Beautéderm products para sa negosyo at P150,000 cash sa coronation night.
“For the Ms. Beautéderm title, we want a proud Filipina who is aspirational, confident, and has a heart for others. We cannot wait to crown the Ms. Beautéderm on coronation,” sabi pa ni Tan.
Tutukan ang 60th Binibining Pilipinas coronation night sa July 7 sa Araneta Coliseum with Beautéderm as the official skincare partner. (MValdez)