Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cita Nurse Abi Vivamax

Mga kaakit-akit na kababaihan tampok sa dalawang sexy drama movie ng Vivamax  

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

DALAWANG bagong sexy drama ang handog ngayong Hunyo ng Vivamax. Ito’y ukol sa mga nakaaakit na kababaihan na hindi mo basta-basta malilimutan.  Kaya abangan ang pagdating nina Cita at Nurse Abi sa Vivamax sa June 18 at June 21.

Ang Cita ay tungkol sa isang babaeng gagawin ang lahat para sa masaya at maginhawang buhay. Pagbibidahan ito ni Erika Balagtas na mula sa direksiyon ni MJ Balagtas. Kasama sa pelikulang ito sina Zia Zamora, Arjay Bautista, Renzo Ruiz, at Francis Mata.

Si Cita ay isang supportive na asawa sa kanyang mayamang hacienderong asawa na si Turo (Francis Mata). Sa dinaranas na komportableng buhay at magandang kinabukasan, ginagampanang mabuti ni Cita ang mga obligasyon niya kay Turo sa hacienda at lalo na sa pagiging asawa. Ang hindi alam ni Cita ay may pagtataksil na ginagawa si Turo at may karelasyon pang iba –  ang nakahahalina at misteryosang babae na si Vanessa (Zia Zamora). Hindi naman makaiiwas at unti-unting mahuhulog sa pagkagandang lalaki na stepson ni Turo, si Aldoy (Enzo Ruiz),si Cita.

May malalim na sama ng loob at galit si Aldoy kay Turo. At gagamitin niya ang kahinaan ni Cita para akitin ito at kumbinsihin na sirain at ipahamak ang buhay ng tiyuhin at pagkatapos ay angkinin ang hacienda.

Ang Nurse Abi naman ay ukol sa isang dalaga na sa sobrang ganda ay gagawin ang lahat ng isang lalaki para mapasakanya ito. Si Alessandra Cruz si Nurse Abi, isang Vivamax Original Movie mula sa direksiyon ni Dustin Celestino, na pagbibidahan din ni Vince Rillon.

Matapos mahimatay dahil sa sobrang pagod sa trabaho, magigising si Roy (Vince Rillon) sa office clinic at mahuhumaling sa ganda ng kanilang nurse, si Nurse Abi. Magkakagusto si Roy kay Nurse Abi at pagpapantasyahan niya ito. Mag-iimbento rin siya ng mga dahilan, hahayaan ang sarili na magkaroon ng mga karamdaman at sasaktan pa ang sarili para lang makapagcheck-up at makasama si Nurse Abi.

Pero mukhang mauudlot at mabibigo pa ang pag-ibig na pinapangarap ni Roy dahil malapit nang umalis si Nurse Abi para magtrabaho sa abroad. Kalaban ni Roy ang oras at kailangan na niyang magmadali na umamin sa nararamdaman niya kay Nurse Abi bago pa mahuli ang lahat.

Samahan si Roy sa kanyang misyon na mapaibig at makuha ang matamis na “oo” ng kanyang nurse. Panoorin ang Nurse Abi sa Vivamax ngayong June 21, 2024.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …

Unmarry cast

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening …