MA at PA
ni Rommel Placente
KAABANG-ABANG kung sino sa apat na movie queens na magsasabong sa 40th Star Awards for Movies ng PMPC ang tatanghaling Movie Actress of the Year. Maglalaban-laban sina Vilma Santos(When I Met You In Tokyo), Sharon Cuneta (Family Of Two), Maricel Soriano (In His Mother’s Eyes), at Nora Aunor (Pieta).
First time mangyayari sa Star Awards for Movies sa loob ng 40 taon ng pagbibigay- parangal na magkakasabay na nominado para sa Movie Actress of the Year sina Vilma, Sharon, Maricel, at Nora kaya matinding bakbakan ito.
O baka naman posibleng masilat pa ang parangal ng iba pang nominadong aktres na kinabibilangan nina Gina Alajar (Monday First Screening), Ai-Ai delas Alas (Litrato), Alessandra De Rossi (What If), Gladys Reyes (Apag), Kathryn Bernardo (A Very Good Girl), at Marian Rivera (Rewind).
Maglalaban naman para sa Movie Actor of the Year sina Christopher De Leon (When I Met You In Tokyo), Dingdong Dantes (Rewind), Piolo Pascual (Mallari), Coco Martin (Apag), Alden Richards(Five Breakups And A Romance), Cedrick Juan (Gomburza), Roderick Paulate (In His Mother’s Eyes), Romnick Sarmenta (About Us Not About Us), Sean De Guzman (Fall Guy), at Alfred Vargas(Pieta).
Ang 40th Star Awards for Movies ay inoorganisa ng mga opisyal at miyembro ng PMPC sa pangunguna ng Pangulo nito na si Rodel Ocampo Fernardo. Katuwang ng PMPC ang Airtime Marketing ni Tess Celestino-Howard. Ang awards night ay ididirehe ni Maribeth Bichara.