Sunday , December 22 2024
Las Piñas LGU may bagong environmental at health vehicles

Las Piñas LGU may bagong environmental at health vehicles

PINABASBASAN ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas ang nakuhang mga bagong sasakyang pangkalikasan at pangkalusugan sa ginanap na simpleng seremonya sa City Hall grounds nitong 11 Hunyo 2024.

Ang mga bagong karagdagang sasakyan ay kinabibilangan ng pitong compactor trucks, dalawang mini dump trucks, isang manlift truck para sa City Environment and Natural Resources Office (CENRO), at isang mobile laboratory sa City Health Office (CHO).

Ang pitong compactor trucks ay gagamitin ng CENRO sa pagpapahusay ng mga hakbang ng lokal na pamahalaan sa regular na pangongolekta ng mga basura.

Habang ang karagdagang dalawang mini dump trucks ay inilaan ng CENRO sa clean-up operations, clearing operations, at pagkolekta ng iba pang basura, samantala, gagamitin ang bagong manlift truck sa city-wide tree trimming activities upang siguruhin ang kaligtasan sa komunidad.

Dumalo sa kaganapan sina City Mayor Imelda T. Aguilar, Vice Mayor April Aguilar, mga miyembro ng Las Piñas Management Committee, at kinatawan ng CENRO, CHO, at department heads.

Sumasalamin ito sa kahandaan ng lokal na pamahalaan sa pagpapaganda ng mga serbisyo sa kapaligiran at pampublikong pangkalusugan. (EJ DREW)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …