NAPAKA-BONGGA ng ginanap na paglulunsad ng Brilliant Skin Essentials sa The Blue Leaf Cosmopolitan noong June 2, 2024 para sa kanilang pinakabagong produkto na Hello Melo Drink, at kay Kim Chiu bilang pinakabagong endorser, kasama ang contract signings ng F&D at iFuel.
Binuksan ni Miss Glenda dela Cruz, CEO ng Brilliant Skin Essentials, ang event na may inspirational na pahayag. Aniya, “Nandito ‘yong Lola ko, ‘yong family ko. She’s (Miss Glenda’s Inang) the reason kung bakit ako nandito, gusto kong ipakita sa kanya na lahat ng pinaghirapan mo, ito na ‘yong bunga ng maraming nagmamahal sa apo mo, at ang dami pong nagmamahal sa Brilliant Skin-lalo na po kayo (F&D). Kaya sabi ko bibigyan ko ng magandang launching ang Hello Melo, ang ating bagong product.”
Nagkaroon ng chance ang mga bisita na manalo sa raffle prizes, kasama ang Brilliant Medical Group treatments, cash prizes, at major prizes tulad ng Zion Eye Massagers, Zion Deluxe Massage Chairs, at isang MG Car. Bukod sa raffle prizes, nag-enjoy din ang mga attendee sa mga fun games na inihanda para sa mga bisita.
Pinasigla pa ang event sa performances nina Arci Muñoz at Paulo Avelino na parehong nagbahagi kung paano natulungan sila ng Brilliant Medical Group sa kanilang acne problems at kung paano nila nakuha ang no-pore look sa tulong ng Brilliant Skin at ni Miss Glenda.
“I really appreciate you, Glenda. Thank you so much for inviting me to be part of your family, this wonderful group, and your empire. Thank you so much… Brilliant Skin lang ang naka-help sa acne problem ko.” sabi ni Arci.
Ani Paulo naman, “Wala po akong masyadong alam pero niong pumunta po ako (Brilliant Medical Group) sabi ko, ‘Doc Ikaw na pong bahala. So may mga favorite po ako, ‘yong hydrafacial, and of course there’s this new laser na ginagamit nila to lighten the pigments of your skin, which is very good bilang prone rin ako sa acne.”
Isa sa mga highlight ng event ay ang grand launch ng beauty drink na Hello Melo Drink na nag-perform si Kim at opisyal na pumirma ng kontrata bilang endorser ng brand. Ibinahagi niya ang kanyang excitement, “I am very excited for this collaboration. At saka siyempre more collagen, mas babata talaga tayo kasi nga sabi sa study nawawalan ka ng 1% collagen every year, kaya nagmumukha kang matanda but with the help of Hello Melo, lahat tayo babata.”
Nagkaroon din ng Q&A ang media kasama si Kim na pinag-usapan ang kanyang bagong role bilang endorser at ang benefits ng kanyang ineendoso.
“’Pag masaya ka sa buhay mo magre-reflect din ‘yan sa mukha mo na maaliwalas, mukhang masaya ka, mukhang maganda ka kasi ‘di mo pinoproblema ‘yong problemang ‘di mo kailangang problemahin. So just live in the moment, mabuhay ka lang. Gawin mo lang kung ano magpapasaya sa ‘yo at kung ano ‘yong magpapaganda sa ‘yo,” sabi pa ni Kim.
Isang mahalagang bahagi ng event ang ikatlong contract signing sa araw na iyon with iFuel.
Dumalo ang halos 1,200 attendees, kasama ang franchisees at distributors mula Luzon, Visayas, at Mindanao. Dinagdagan pa ang excitement ng event sa pagdating ni Daniel Matsunaga.
Nagtapos ang event sa closing remarks mula kay Miss Shed P. Garcia, COO, na nagsabing, “Dami nating attendees, I can’t imagine na magagawa ito ni Brilliant na sobrang short notice lang. And sabi nga ni Miss Glenda, grateful siya kasi kahit short notice pinupuntahan talaga nila ‘yong event ni Brilliant.” (MValdez)