Wednesday , June 26 2024
shabu drug arrest

Balik-hoyo  
HVI NA TULAK, TIMBOG SA VALE

MULING NAARESTO ang isang tulak ng ilegal na droga na itinuturing bilang high value individual (HVI) sa ikinasang buybust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng bagong hepe ng Valenzuela police si P/Col. Nixon Cayaban, ang naarestong suspek na si alyas Dante Lalog, 38 anyos, ng Tañada Subd., Brgy. Gen. T. De Leon, Karuhatan.

Ayon kay Col. Cayaban, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na patuloy ang suspek sa kanyang ng illegal drug activities kaya ikinasa nila ang bust operation laban dito.

Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong 5:00 pm sa Karen Avenue, malapit sa THOA basketball court sa nasabing lugar.

Nakompiska sa suspek ang nasa limang gramo ng hinihinalang shabu, may katumbas na halagang P34,000 at buybust money na isang tunay na P500 bill at 10-pirasong P1,000 boodle money.

Sa record ng SDEU, dati nang naaresto ang suspek dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga ngunit nang makalabas ay muling ipinagpatuloy ang pagbebenta ng shabu.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

BSP DILG Paleng-QR Pulilan

BSP, DILG inilunsad ang Paleng-QR Ph Program sa bayan ng  Pulilan

UPANG matiyak ang mabilis, ligtas, at tumpak na transaksyon, pinangunahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas …

San Miguel Bulacan

Mag-asawa tinarget ng tatlong kawatan

ISANG mag-asawang kararating lang sa kanilang bahay ang pinagnakawan ng tatlong hindi pa nakikilalang kawatan …

arrest, posas, fingerprints

7 tulak, wanted na estapador natiklo

NAGSAGAWA ng serye ng operasyon ang pulisya sa Bulacan na nagresulta sa pagkakakumpiska ng iligal …

PNP PRO3

Regional police director sa Central Luzon iimbestigahan sa ilegal na POGO

ANG REGIONAL police director ng Central Luzon ay nasa ilalim ng imbestigasyon kasunod ng pagkakadiskubre …

arrest, posas, fingerprints

No. 3 MWP ng Leyte  
NAARESTO SA CALOOCAN

ARESTADO ang isang lola na nakatala bilang No. 3 most wanted person (MWP) sa Leyte …