Wednesday , June 24 2026
Barbie Forteza David Licauco

Barbie ibinuking David nanghiram ng toothpaste bago ang kanilang intimate scene

RATED R
ni Rommel Gonzales

KAHIT may kanya-kanyang karelasyon sa tunay na buhay, walang dudang malakas ang chemistry nina Barbie Forteza at David Licauco.

Katunayan, sa unang pagkakataon ay magtatambal sila sa isang pelikula shot in Seoul, South Korea, ang That Kind Of Love.

Kaya nararapat lamang na tanungin, ano ang “kind of love” na namamagitan kina Barbie at David?

The kind of love that I have for David is… ano siya, hindi agad-agad,” pakli ni Barbie.

Pero noong na-reach na namin ‘yung level ng friendship na kailangan namin to make the partnership work, the love I have for David is more like…

“Feeling ko, mas nagiging ano ako, eh, taga-guide, ganyan. ‘Yung taga-support… na-experience ko ‘yun noong nag-Canada kami, nag-Sparkle tour kami sa Canada.

“Na parang I really went out of my way to support him onstage as we all know na medyo mahiyain ang ating ginoo.

“So ‘yun, I think it’s more of that. It’s more of showing my support sa kanya sa abot ng makakaya ko kapag magkasama kami.

“Para mas mag-work ‘yung loveteam namin.”

May intimate scenes sila sa pelikula.

Nang tanungin kung paano nila iyon pinaghandaan, tumatawang sagot ni Barbie, “’Yun, manghihiram siya ng toothpaste.”

Pambubuking pa ni Barbie kay David, “Isang beses, pumapasok sa standby area ko ang make-up artist ni David.

“‘May toothpaste ka ba riyan? Kailangan daw ni David.’ Uy, nag-prepare, uy, nag-expect.

“’Yung mga ganoon, which I appreciate naman. Siyempre, ang hirap ng intimate scenes, tapos may ganoon,” saad ng aktres.

Direkta naman sila pagdating sa atake sa love scene.

Sabi ni Barbie, “And siyempre, pinag-uusapan namin, lalo na kapag masyadong intimate ang eksena, pinag-uusapan namin para komportable kami all throughout ng eksena, ‘di ba?

“Walang mga surprise na mangyayari kaya mas komportable kami.

“Siguro, nagiging maganda rin ang output niya kasi pareho kaming confident at comfortable sa mga intimate scene namin.”

Ang That Kind of Love ay idinirehe ni Catherine Camarillo, at nasa cast din nito sina Kaila Estrada, Al Tantay, Arlene Muhlach, at Ivan Carapiet.

Ang premiere night nito ay sa Hulyo 4 sa SM Megamall. Showing ito sa mga sinehan umpisa Hulyo 10.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …

Mister and Miss Lipa 2026

Pambato ng Brgy Sampaguita at Tambo wagi sa Mister & Miss Lipa Tourism 2026

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KLIMA. Mayamang pamana. Mamamayan ng Lipa. Biyaya. Pagtitiwala. Layunin. Ilan ito …

Rufina Villena Gelston

Rufina Villena Gelston, sasabak sa tatlong movies sa Inding-Indie Film

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INILUNGSAD ng Inding Indie Film ang isa sa kanilang bagong proyekto …

Ruben Maria Soriquez

Ruben Soriquez waging Best Actor, “Sin Preguntas Sin Mas” titulo ng kanyang new album

MARAMING blessings ngayon ang Filipino-Italian actor/director/singer na si Ruben Maria Soriquez. Bukod sa pagganap sa mahalagang papel sa …