Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joshua Garcia inalala pagiging Ultimate Boyfriend ng TikTok

Joshua Garcia inalala pagiging Ultimate Boyfriend ng TikTok

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TULAD ng maraming matagumpay na celebrities sa Tiktok, masasabing nagsimulang magka-lovelife ang aktor na si Joshua Garcia sa app na ito noong pandemic na napansin at nakabingwit ng mga puso ng milyon-milyon niyang followers dahil sa kanyang in-upload na feel-good “saya.” 

Kalaunan, naging isa siya sa mga unang pambansang TikTok na viral boyfriend sa milyon-milyong Filipino at mabilis na naging isa sa mga pinaka-maimpluwensiyang celebrity sa platform.

Ngayon, pinag-iisipan ni Joshua kung paano nakatulong sa kanya ang mga video, na karamihan ay dance cover na may masigla at cool na mga galaw, na umabot din sa milyon-milyon at patuloy na nagdala ng kaligayahan sa mga tagahanga sa pamamagitan ng kanyang TikTok account, na mula noon ay nakakuha na ng 8.2 milyong followers at 70.8 milyong likes.

“Hindi ko inaasahan  magiging  ganoon  ‘yung reception. Gaya ng marami , I was just enjoying the app and using it during breaks or simple escapes throughout the day,” sabi ni Joshua, na ngayon ay ibina-banner ang kampanya ng TNT para sa TikTok Saya 50, ang pinaka-abot-kayang walang limitasyong alok na TikTok.

Available lang sa halagang P50, ang TikTok Saya 50 ay may unlimited na TikTok, 3 GB ng open access data para sa mga app at site, at Unli Text to All Networks na valid sa loob ng tatlong araw.

“Masayang-masaya  ako na magiging bahagi ng isang kampanyang nagpapalaganap ng kaligayahan at good vibes sa mga Filipino sa pamamagitan ng paggamit ng walang limitasyong TikTok. As Pinoys, we find humor and saya in everything, kaya kahit  sa  simpleng  panonood ng videos, nakakukuha tayo ng reason to be happy every day,” ani Joshua.

Nang tanungin kung ano ang kadalasang ipinakikita sa kanya ng kanyang TikTok feed sa mga mabilisang pahinga mula sa kanyang mga abalang iskedyul, sinabi niya: “Kadalasan akong nanonood ng mga nakatatawang vlog sa makukulit  na skits – pampasaya at pampagaan talaga ng araw ang TikTok para sa akin.”

Para ma-enjoy ang unlimited saya tulad ni Joshua, maaaring magparehistro ang mga subscriber sa TikTok Saya 50 sa pamamagitan ng pag-log in sa Smart App o sa pamamagitan ng pag-dial sa *123#. Ang mga TNT users ay maaari ring mag-avail ng offer sa pinakamalapit na sari-sari store o sa pamamagitan ng kanilang mobile wallet.

Ang TNT ay pinalakas ng award-winning na mobile network ng Smart, na kinilala kamakailan para sa paghahatid ng Pinakamahusay na 5G Coverage Experience ng Pilipinas sa pamamagitan ng independent network analytics mula sa Opensignal.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …