Friday , November 15 2024
Rhea Tan Jeraldine Blackman Beautéderm EJ Falcon Darla Sauler Bekimon

Beautéderm founder Rhea Tan ipinakilala si Jeraldine Blackman as latest endorser, inanunsyo partnership with Bb. Pilipinas

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MASAYANG ipinakilala ng Beautéderm chairwoman na si Rhea Tan ang bagong endorser ng Beautéderm last May 22 sa Beautéderm Headquarters sa Angeles City.

Sa naganap na event, si Jeraldine Blackman ang pinangalanang new face ng brand. Sabi ni Ms. Rhea, na nagsimula sa beauty industry noong 2009, makakatulong ang collaboration na ito sa pagpapalawak ng reach ng Beautéderm, dahil na rin sa global influence ni Jeraldine. “We’re both Ilocanas. We share the same love for family, and we both honor our roots. Jeraldine is an inspiration especially to women. She’s authentic that’s why people love her.”

“Jeraldine marks Beautéderm’s 15th anniversary. She’s the perfect influencer to do it. But it’s just the beginning. We will announce more surprises soon as part of this big milestone. We thank our consumers for their loyalty and support,” dagdag ng skincare executive.

Inihayag naman ni Jeraldine ang kanyang paghanga sa business magnate, na sumalubong at nag-welcome sa kanya sa 7-storey Beautéderm building. “I really admire Ate Rhea as an entrepreneur. Look at her, she’s so successful yet so humble. I know her brand is a well-loved brand here in the Philippines, and I am so excited to make content endorsing the three new products.”

Dagdag pa niya “Ate Rhea contacted me and she said she’s been following me for a long time already. I was very surprised. I had no idea that a well-known businesswoman knows me. We kinda like speak the same language. We’re both Ilocanas,” .

Kuwento pa ni Jeraldine, na kasal sa Australian nurse na si Josh Blackman, nagulat siya sa attention na nakukuha ng pamilya niya ngayon lalo na sa Filipinas. Milyon-milyon ang views ng Blackman Family sa TikTok at Instagram. Sinabi niya rin sa media interview na gagamitin niya ang kanyang social media accounts para ma-promote ang Beautéderm sa buong mundo.

Nag-launch ang Beautéderm ng bagong products — Cristaux Retinol Serum, Cristaux Zerum Hydra-Beauty, and Cristaux Vitamin C Serum. Available ito sa Shopee, TikTok, Lazada, at Beautéderm stores nationwide.

Inanunsiyo rin sa naturang okasyon ang partnership ng Beautéderm sa Bb. Pilipinas organization bilang official skincare brand ng beauty pageant. 

About Nonie Nicasio

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai nasaktan, nalungkot, tinanggap kapalaran kay Gerald 

I-FLEXni Jun Nardo NASAKSIHAN din namin ang pagsisimula ng relasyon nina Ai Ai de las Alas at Gerald …

Hiwalayang Ai Ai-Gerald may 3rd party?

HATAWANni Ed de Leon HEADLINE sa lahat ng mga entertainment website si Ai Ai delas Alas. …

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …