Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrea Brillantes Kyle Echarri Glenda dela Cruz

Andrea, Kyle, Brilliant Skin Essentials nagpasaya sa Bora

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ISANG Summer event ang isinagawa ng Brilliant Skin Essentials sa Boracay Island kasabay ang pagpapakilala ng kanilang bagong ambassador at bagong product line noong Linggo, May 19, 2024.

Pinangunahan ni Ms Glenda dela Cruz,  CEO ng Brilliant Skin Essentials, Inc., ang summer event na nagpahayag ng kanyang excitement at pasasalamat sa mga bagong plano ng BSE.

“Welcome to Brilliant Summer and sobrang nao-overwhelm ako, wala na ako masabi. Thank you rin sa team for making this possible. Sabi nga nila may mga nagko-comment, ‘Ms. Glenda, hindi na summer pero sa atin summer na summer pa rin,” aniya.

Si Miss Glenda ay nag-imbita ng mahigit 300 bisita—franchisees at distributors na all-expenses paid para tiyak na ma-enjoy ang event.

Isa ang Brilliant Skin endorser at bagong renew ng kanyang kontrata sa brand na si Andrea Brillantes, sa mga dumalo sa festivities at nag-perform sa stage kasama si Kyle Echarri, bagong ambassado ng Brilliant Skin.

Nang tanungin si Andrea ukol sa favorite part niya bilang brand endorser, anito, “Ang favorite part ko siyempre, ‘yung pinaka-importante– effective po talaga ang products ng Brilliant Skin. Masasabi ko ito dahil user po ako simula 15 years old pa lang ako.

Ramdam ko naman din ‘yun. I feel like masasabi rin ni Blythe (tawag kay Andrea), ‘yung paborito niyang part, para kayong pamilya talaga,” dagdag ni Kyle.

Isa sa mga highlight ng event ang introduction at pagpirma ng kontrata ni Kyle bilang opisyal na parte ng Brilliant Skin family. 

Maraming salamat po sa Brilliant family ko. I love you all. Sana matagal pa nga po tayo. I’m so grateful and so blessed to be part of the family,” pasasalamat ni Kyle kay Ms Glenda.

Tatlong pangunahing produkto ang inilunsad sa event: Brilliant Sun Professional Sunscreen para sa best summer glow; Hello Melo Drinks, isang beauty drink na may collagen, Gluta, L-Carnitine, Vitamin C, at iba pang minerals; at Hyper Hydra Pressed Powder na may SPF 50 para sa flawless at healthy-looking na balat. Available ito sa apat na shades: Natural, Light, Warm, at Universal. Ang Natural, para sa neutral skin tones at morena skin. Ang Light ay ideal para sa fair skin, na nagbibigay flawless at weightless finish. Ang Warm ay bagay sa post-beach skin. Ang Universal naman ay umaangkop sa karamihan ng skin tones, nagbibigay ng comfortable, all-in-one solution.

Dito rin kinilala ng brand ang kanilang top city/municipality, district, at provincial distributors, pati na rin ang top provincial at regional franchisees para sa first quarter ng 2024.

Dagdag saya sa event ang pa-raffle ng iba’t ibang prizes: Jisu Life Hand Held Fan Pro 1S, isang TCL UHD 55-inch Smart TV, isang iPhone 15 Pro, at cash prizes.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …