Saturday , November 16 2024
SPEEd Globe

Globe, SPEEd sanib-puwersa sa paghahatid ng 7th The EDDYS

TULOY pa rin ang kolaborasyon ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) at Globe para sa taunang pagbibigay-parangal ng The EDDYS.

Muling magsasanib-puwersa ngayong 2024 ang SPEEd at leading telecom sa bansa, ang Globe para sa 7th The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) na gaganapin sa  Hulyo.

Inaasahang mas magiging malaki at mas exciting ang ikapitong edisyon ng pagbibigay parangal at pagkilala ng SPEEd sa mga natatangi, de-kalidad na pelikula na ipinalabas noong 2023 kasabay ng pagdagdag nila ng ibang special award.

Ayon kay Miss Yoly C. Crisanto, Chief Sustainability and Corporate Communications Officer ng telecom company, isa ito sa mga paraan nila para mas maisulong pa ang kanilang adbokasiya upang makatulong sa tuluyang pagbangon ng industriya ng pelikulang Pilipino.

Sabi naman ni Salve Asis, entertainment editor ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa, presidente ng organisasyon ng mga entertainment editor ng leading broadsheet, websites, entertainment portals, at tabloids, mas pagtitibayin ng partnership na ito ang adhikain ng SPEEd na hikayatin, lalong pataasin ang morale at patuloy na magbigay-inspirasyon sa Filipino filmmakers, producers, writers, actors at iba pang kasama sa pagbuo ng isang matino at de-kalibreng pelikula.

Gayundin ang kampanya sa digital movie piracy. 

Ang Globe ay kinilala ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) para sa hindi matatawarang pangako nito sa pangangalaga sa mga intellectual property at paglaban sa digital piracy. 

Nauna rito, kinompirma kamakailan ng SPEEd na ang seasoned actor at kilalang sculptor na si Leandro Baldemor ang gagawa ng tropeo para sa The EDDYS ngayong taon.

Bukod sa pagiging versatile actor sa mundo ng showbiz, isa ring magaling na iskultor o wood carver si Leandro na mula rin sa kilalang pamilya ng mga visual artist sa Paete, Laguna. 

Karamihan sa mga obra ni Leandro bilang isang manlililok ay mga imahe ng Panginoong Hesukristo, Virgin Mary at iba’t ibang mga santo na talagang pang-worldclass ang kalidad at pang-export. 

Marami na ring nagawang imahe ng santo si Leandro sa iba’t ibang simbahan sa buong Pilipinas. 

Ayon sa aktor, pinag-isipan niyang mabuti kung paano mas pagagandahin at mas patitibayin ang trophy ng The EDDYS, lalo na ang magiging design nito para maging akma sa mission and vision ng SPEEd bilang isang award-giving body sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan, tinatapos na ng aktor at iskultor ang tropeo para sa ika-7 edisyon ng The EDDYS at nakatakda ang unveiling nito bago ang pinaka-aabangang awards night sa Hulyo, 2024.

Samanta, inihayag din ng SPEEd bilang pagkilala sa mga naging bahagi ng muling pagbangon ng movie industry, isang special award ang ibibigay sa 7th edition ng The EDDYS.

Dito ay bibigyang-pugay ang mga pangunahing artista na bumida sa highest-grossing films sa bansa na naging daan para muling sumugod sa sinehan ang mga manonood at manumbalik ang sigla ng pelikulang Pilipino.

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading broadsheet, top tabloid newspaper, at online portals sa Pilipinas.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …