Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cassie Kim

Cassie Kim aabangang kontrabida; Andrea iniidolo

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MABAIT sa tunay na buhay si Cassie Kim kaya naman sobra siyang na-challenge sa pagiging maldita, karakter na ginagampanan niya sa pelikulang When Magic Hurts na pinagbibidahan nina Beaver Magtalas, Maxine Trinidad, at Mutya Orquia na mapapanood na sa mga sinehan simula May 22, 2024.

Pero sa pagiging maldita o pagiging kontrabida gustong makilala ni Cassie tulad ng iniidolo niyang si Andrea Brillantes na sobra niyang hinangaan sa Kadenang Ginto. 

“Sobrang galing niya po talagang artista. The way she throws her line, kung pano siya umarte, sobra akong humanga. Gusto ko pang matuto sa kanya,” anang 16 year old na bukod kay Andrea ay idolo rin sina Anne Curtis at Kathryn Bernardo.

Sinabi pa ni Cassie na,“Sobra akong na-challenge (sa role bilang Martha) kasi ano po ako, parang malambot, hindi po ako maldita. Kaya noong pino-portray ko po ito, parang mas okay pala.”

Mga kontrabida role ang kadalasan niyang ginagampanan at ito rin talaga ang gusto niyang papel.

Labing-isang taon gulang pa lamang si Cassie nang unang makagawa ng proyekto tulad ng  Genius Teens na pinamahalaan ni Direk Paolo Bertola na sinundan ng  Pugon, short film ni Direk Gabby Ramos kasama sina Andrea Del Rosario at Soliman CruzHome I found in you, isang  FB Serye with Jhazzy Busran. At ngayon itong When Magic Hurts na showing na sa May 22 at idinirehe rin ni Gabby Ramos.

Kaya naman nasabi niyang sobrang gaan katrabaho si direk na bukod sa 2nd time na nilang magkatrabaho ay dahil, “Sobrang hands on niya sa aming mga artist and open siya sa mga suggestion namin. Kaya nga po looking forward na makatrabaho po uli siya.”

Hindi na rin naman matatawaran ang acting ni Cassie kaya hindi kataka-takang effective siya bilang Martha. Bago siya nabigyan ng proyekto, sumailalim muna siya sa mga acting workshop tulad sa  Star Magic noong 2019 at noong 2020 naman ay kay Ogie Diaz with Candy Pangilinan.

“Dream ko talaga na mag-artista,” ‘ika ni Cassie nang makahuntahan namin ito sa red carpet premiere night ng When Magic Hurts sa NE Pacific Mall na talagang pinagkaguluhan sila ng mga Nuevacijano. “Pero before this, sumali po ako sa Mini-Me ng ‘It’s Showtime.’ Nag-start po ako 11 years old, nag-workshop ako and doon na nagtuloy-tuloy. Nag-modelling, acting, dancing po.”

Sinabi ni Cassie na gusto talaga niyang makilala bilang kontrabida. “Masaya kasi. Gusto ko rin dito makilala although open ako sa anumang karakter na ibibigay sa akin.”  

At nang matanong kung sino ang gusto niyang sampalin, masabunutan sakaling  bigyan siya ng chance na makapamili para magkontrabida, sinabi nitong si Daniela. 

“Nakikita ko ang actingan niya sobrang kontrabida siya talaga,” sabi pa ni Cassie kaya ang mangyayari, kontrabida vs kontrabida. 

At kung gusto ninyong mapanood ang pagkokontrabida ni Cassie, watch ninyo ang When Magic Hurts na mapapanood na sa mga sinehan simula May 22.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …