Sunday , May 11 2025
Leandro Baldemor

Baldemor uukitin bagong tropeo ng SPEEd’s The EDDYS 2024

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SIKAT ang mga Baldemor sa pag-uukit kaya malaking karangalan na ang seasoned actor at kilalang sculptor na si Leandro Baldemor ang gagawa ng tropeo para sa 7th edition ng The EDDYS (The Entertainment Editors Choice).

Bukod sa pagiging versatile actor sa mundo ng showbiz, isa ring magaling na iskultur o si Leandro na mula rin sa kilalang pamilya ng mga visual artist sa Paete, Laguna. 

Ang kanyang lolo na si Venerando Baldemor ay nakilala sa paggawa ng mga bakya na gawa sa kahoy na ine-export noon sa Japan at iba pang bansa habang ang tatay niyang si Wallie Baldemor ay sumikat ang handicrafts business sa Paete. 

At tulad ni Leandro, isang sikat na painter-sculptor din ang kanyang pinsan na si Manuel Baldemor na kilala ring book illustrator. 

Karamihan sa mga obra ni Leandro bilang isang manlililok ay mga imahe ng Panginoong Hesukristo, ni Virgin Mary at iba’t ibang mga santo na talagang pang-worldclass ang kalidad at pang-export. 

Marami na ring nagawang imahe ng santo si Leandro sa iba’t ibang simbahan sa buong Pilipinas. 

Kaya naman nagpapasalamat ang Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa pagpayag ni Leandro na siya ang gumawa ng bagong disenyo ng ipamimigay na tropeo sa gaganaping The EDDYS ngayong taon.

Ayon sa aktor, pinag-isipan niyang mabuti kung paano mas pagagandahin at mas patitibayin ang trophy ng The EDDYS, lalo na ang magiging disenyo nito para maging akma sa mission and vision ng SPEEd bilang isang award-giving body sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan, tinatapos na ng aktor at iskultor ang tropeo para sa ika-7 edisyon ng The EDDYS at nakatakda ang unveiling bago ang pinaka-aabangang awards night sa Hulyo, 2024.

Nauna rito, inihayag din ng SPEEd bilang pagkilala sa mga naging bahagi ng muling pagbangon ng movie industry, isang special award ang ibibigay sa 7th edition ng The EDDYS.

Dito ay bibigyang-pugay ang mga pangunahing artista na bumida sa highest-grossing films sa bansa na naging daan para muling sumugod sa sinehan ang mga manonood at manumbalik ang sigla ng pelikulang Pilipino.

With our new award, ‘The EDDYS Box Office Heroes,’ we want to honor the stars of films that brought audiences back to theaters,” ayon sa bagong Pangulo ng SPEEd na si Salve Asis, entertainment editor ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa. 

We at SPEEd believe this recognition will encourage film production entities to create movies that are both commercially viable and impactful.

“By acknowledging the contributions of those who helped revive cinema attendance, SPEEd aims to inspire the industry to continue producing films that captivate and engage viewers,” dagdag pa ni Asis.

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading broadsheet, top tabloid newspaper, at online portals sa Pilipinas. 

Ang pamamahagi ng parangal ng SPEED sa pamamagitan The EDDYS ay isang paraan din para hikayatin, lalong pataasin ang morale at patuloy na magbigay-inspirasyon sa Filipino filmmakers, producers, writers, actors at iba pang kasama sa pagbuo ng isang matino at de-kalibreng pelikula.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Benhur Abalos

Benhur Abalos nagulat pag-endoso ni Vice Ganda; Roselle Monteverde iginiit unahin ang bansa

ni MARICRIS VALDEZ MALAKI ang pasasalamat ni Senatorial candidate Benhur Abalos kay Vice Ganda sa pag-eendoso sa kanya. Sa …

Bam Aquino Dingdong Dantes

Dingdong Dantes: volunteer na ni Bam Aquino mula noong 2013

NAGPAHAYAG si Dingdong Dantes ng buong suporta sa kaibigan na si dating senador at independent senatorial candidate Bam Aquino, …

Ralph dela Paz

Ralph Dela Paz sunod-sunod ang proyekto

MATABILni John Fontanilla SUNOD-SUNOD ang pelikula ni Ralph dela Paz matapos bumida sa advocacy film …

Alden Richards Tom Cruise

Alden Richards sobra ang katuwaan nang makita si Tom Cruise  

MATABILni John Fontanilla KITANG-KITA ang katuwaan kay Alden Richards nang makaharap ng personal ang  Hollywood …

Lani Misalucha

Lani balik-concert stage para sa isang timeless music at artistic excellence

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAITUTURING na grand comeback ang pagbabalik sa concert scene ng Asia’s …