HINDI bababa sa 584 Bulakenyo ang nakinabang sa medical at dental mission na pinangunahan ng SM Foundation sa SM City Marilao, sa lalawigan ng Bulacan.
Nagsama-sama ang mga doktor at mga boluntaryo upang magbigay ng mga serbisyong pangkalusugan sa mahihirap na pasyente sa komunidad.
Bukas sa publiko ang iba’t ibang serbisyo, tulad ng medical at dental check-ups and procedures, blood pressure check-up, at basic laboratory examinations sa inihandog na medical at dental mission ng SM Foundation.
Kabilang sa mga libreng serisyo ang pagsusuri sa uric acid, cholesterol, hemoglobin, dugo, at FBS; libreng diagnostic at iba pang serbisyo sa laboratoryo tulad ng electrocardiograms (ECG) at X-ray ng SM Foundation Mobile Clinic.
Nabigyan ng libreng gamot ang mga pasyente mula sa Marilao at iba pang kalapit na bayan.
Ngayong taon, kasama sa proyekto ang Philippine National Red Cross-Bulacan Chapter bilang volunteer partner at ang Marilao Municipal Health Office.
Tumulong ang mga pribadong kompanyang medikal tulad ng DMI Medical Supply Company Inc. at Willore Pharmaceutical sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga food supplements at serbisyong pangkalusugan.
Ang Gamot Para Sa Kapwa Medical and Dental Mission ng SM Foundation ay ang socio-civic arm ng SM Group of Companies na naglalayong magbigay ng mga serbisyo sa mga komunidad na may limitadong access sa mga serbisyong medikal.
Nilalayon din nitong magbigay ng agarang benepisyong dental sa mga pasyente sa paligid ng mga mall. (MICKA BAUTISTA)