Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
UAE royalties Artwork Lope De Vega basketball court Sta Cruz Maynila

Artwork ng mukha ng UAE royalties, atraksiyon sa Lope De Vega basketball court, Sta. Cruz, Maynila

ISANG kakaibang basketball court artwork na nagpapakita ng mga imahen ng mga lider ng bansang United Arab Emirates (UAE) ang bagong atraksiyon sa iconic Lope De Vega basketball court sa Maynila. Ang kauna-unahang pagpapakita ng ipinintang mukha ng mga lider at dugong bughaw sa semento ng isa sa abalang kalye sa Sta. Cruz, Maynila ay brainchild ng true-to-life Cinderella Man na si Manito Hwang.

Ang world-class masterpiece, ayon kay Hwang o Kuya Manny ay pagkilala sa mga pinagpipitaganang mga lider ng UAE at bilang taos-pusong pasasalamat ng Filipino community, na kumikilala sa naging epekto sa ‘di mabilang na buhay na binago ng katangi-tanging liderato at pagiging bukas palad ng mga nasabing lider mula sa nasabing bansa.

Ang 40-anyos na si Maya Car Andang naman na dating miyembro ng All Star Dance Group na limang beses nagkampeon sa World Dance Olympic ang kinomisyon na lumikha ng proyekto para ipinta ang mukha ng dalawang hari at prinsipe ng UAE sa Basketball Court. Siya rin ang nagpinta sa nag-viral na imahen ni NBA Superstar Lebron James sa isang basketball court sa Taguig Tenement noong 2015.

Ayon sa Filipino-Taiwanese na si Kuya Manny, napili ang Lope De Vega basketball court dahil sa kahalagahan nito sa mga Filipino, lalo sa mga mahihilig sa larong ito.

Mahal na mahal ng mga panatiko sa basketball ang nasabing lugar kaya naman ito ang napiling lugar upang itampok ang mga kahanga-hangang artwork at upang ipahayag na rin ang pagtanaw ng utang na loob ng mga Filipino sa royal family at mga lider ng UAE.

“Marami dito sa Lope De Vega ang sinukuan na ng pag-asa pero simula ng makapagtrabaho sa UAE ay biglang nabuhay ang pag-asa at di na bumalik sa dati nilang bisyo. At sa awa ng Diyos ay maganda na ang buhay nila. Kaya naman on behalf of the Filipinos na nagbago ang buhay, isang pasasalamat na rin ang mensahe ng ipinintang larawan nina UAE President Mohammed bin Zayed Al Nahyan; former President of the UAE Khalifa bin Zayed Al Nahyan; Ruler of Dubai Mohammed bin Rashid Al Maktoum; and Emirati politician Hamdan bin Mohammed Al Maktoum,” pahayag ni Kuya Manny.

Nabatid na ang nasabing artwork ay tumatayong testamento nang hindi matatawarang suportang ibinigay ng UAE sa Filipinas lalo sa panahon ng kalamidad tulad ng 2020 Taal and Mayon volcano eruption, na ang tone-toneladang ayuda ay dumagsa para sa mga biktima ng nasabing pagsabog.

Dagdag rito ang donasyon ng UAE na 100,000 COVID-19 vaccines, RT-PCR machines, at mga opurtunidad na nalikha para sa Pinoy sa loob at labas ng bansa na nagpabago ng kanilang buhay.

“We extend our deepest gratitude to the United Arab Emirates and its revered leaders for their compassion and generosity that have touched the lives of millions,” pahayag ni Kuya Manny. “This tribute is a reflection of the enduring bond between the Philippines and the United Arab Emirates, showcasing our profound appreciation for their selfless support,” ani Andang. (BONG SON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Bong Son

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …