MA at PA
ni Rommel Placente
AS much as possible, ayaw na ni Sunshine Cruz na mapapag-usapan pa ang tungkol sa kanyang lovelife. This time, gusto niya na magkaroon ng privacy pagdating sa usaping pag-ibig.
Sa isang interview, nang usisain siya kung may bago na ba siyang Idini-date,ang sagot niya, “I don’t really want to talk about it. So, ibalato ninyo na lang sa akin, I’m turning 47. Mga anak na lang pagkuwentuhan natin.”
Nang may nagtanong uli ay iginiit niyang ayaw niyang pag-usapan dahil paliwanag nga niya, “Hindi naman kami teenager para pag-usapan and magulo lang… magulo. So whatever I have and what I don’t have, I’d rather keep it private na lang pagdating sa love and personal life.”
Anyway, hindi naman nakagugulat kung may manligaw uli kay Sunshine dahil mukha siyang mas bata sa kanyang edad, sa totoo lang naman. Hindi mo iisipin na magpo-47 na siya ha!