GINAGABAYAN ng Philippine Anti-Illegal Drug Strategy, ipinagmalaki ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang mga pagsisikap na ginawa ng mga katuwang na ahensiya sa pagtataguyod ng isang kapaligirang walang droga.
Isa rito ang Police Regional Office CALABARZON na kabilang sa mga unang police regional offices na nakakuha ng 100% drug-free distinction.
Dumalo si Executive Director, Undersecretary Earl Saavedra, bilang Guest of Honor sa pagkilala sa tagumpay at momentum ng PRO IV-A sa pagsasagawa ng anti-illegal drug operations at kampanya sa kanilang rehiyon.
Bahagi ng seremonya ang paglalahad ng Brass Marker na nagpapahiwatig ng ganap na pangako ng PRO IV-A sa komprehensibo, buong-bansang diskarte na naglalayong makamit ang estado ng Filipinas na wala nang droga.
Sa nasabing aktibidad, ipinakita ng mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), Tricycle Operators and Drivers Associations (TODA), at Tanod Members ang kanilang mga mural painting sa ilalim ng BIDA Regional Campaign Contest. (BOY PALATINO)