Saturday , November 23 2024
YANIG ni Bong Ramos
YANIG ni Bong Ramos

Umarangkada na
Mga kandidato para sa 2025 local & national elections maagang sinimulan pang-uuto sa publiko

YANIG
ni Bong Ramos

BAGAMA’T isang taon pa ang nakatakdang local & national elections, maagang sinimulan ng mga kakandidato dito ang pang-uuto at panliligaw sa publiko.

Ang kauna-unahang inuto at niligawan ay ang Barangay na siyento porsyentong magagamit nila sa sinasabing eleksiyon sa 2025.

Nandito nga naman ang buhay at pag-asa ng kanilang kandidatura kung kaya’t ito ang kanilang prayoridad, bakit ‘kamo?

Mantakin mong pabiyahiin patungong Iloilo sa Visaya para lumahok sa isang seminar kuno. All expenses paid including air fare at hotel accommodation.

Biruin mong 10 tao agad ang nakatala sa bawat barangay mula sa chairman, mga kagawad kasama na rin ang secretary at treasurer ang lalahok sa nasabing seminar.

E ilang barangay meron ang lungsod ng Maynila, hindi nga sabay-sabay dahil inayos nila sa bawat distrito at sona. Sa simpleng salita, malaking gastusin ito na siguradong kukunin sa kaban ng siyudad.

Imposible kasing abonohan ito ng mga opisyal ng Manila City Hall not unless na may sira na ang ulo nila, ‘di po ba?

E kung talagang pakay nila ay seminar, bakit pa sila kailangan lumayo samantala puwede namang ganapin dito-dito lang tulad sa Fort Santiago, Luneta Park, o ‘di kaya’y sa mismong city hall na lang. Hindi na kailangan ang utuan pa.

Bukod umano sa pagkuha ng pondo sa kaban, sigurado anila na kumita pa. Patay tayo diyan dahil walang mag-aabono nito kundi ang publiko’t mga Manilenyo.

Bukod sa all expenses paid, meron pang pocket money at allowance ang lahat ng kawani ng barangay na lalahok. Ito ay mula naman sa ilang congressman, mga konsehal, at mga bagitong kandidato na gustong sumabak sa politika.

Napag-alaman natin na minimum P3,000 ang bigayan. E ilang congressman at mga konsehal mayroon tayo dito sa Maynila?

Partikular ang mga barangay, mapapansin natin na panay ang pagpapakilala sa kanilang constituents o mga botante. Nandiyan na naman ang pakamay-kamay, pakaway-kaway, beso-seso, at marami pang aktuwasyon na ngayon lang muli natin makikita, obvious ‘di po ba?

Muli mo na naman silang makikita sa burol ng patay, personal na kumakalinga sa mga may karamdaman at nangangailangan. Nakagugulat ang kusang palo.

Meron din namimigay ng bigas, de lata at kung ano-ano pang mga bagay na pupukaw ng inyong damdamin.

Kabi-kabilang medical at dental mission na sila ang sponsor at may sagot lahat ng gastos. Masyadong biglaan, parang climate change.

Nakagugulantang at baka lagnatin ka pa kapag nakita mo ang ganitong insidente na para bang tunay na makatao at totoong maka-Diyos.

Balik tayo sa pagpasyal ng mga barangay sa Visaya. Okay lang naman ito dahil kailangan talaga nila ang break at need na i-release nila ang kanilang stress. Minsan lang naman ito sa loob ng isang taon.

Tao rin naman sila na need mag-relax at mag-unwind, parang incentive na kanila rin namang pinag-hirapan.

Ang tanging problema lang naman dito ay ang pondong ginugol, saan, at kanino ito kinuha?

Harinawa’y mag-abono naman sana ang mga opisyal ng Manila city hall at ilang politiko na masyadong galante sa pera ng iba.

Gumastos at maglabas naman kayo ng galing sa sarili niyong mga bulsa, walang utuan at ligawan.

Masarap yatang magpasaya ng tao, share your own blessings.

About Bong Ramos

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …