Wednesday , March 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

2 katao arestado, P.387-M shabu kompiskado

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang dalawang katao kabilang ang isang high value individual (HVI) na kinakompiskahan ng P387,000 halaga ng shabu sa isinagawang anti-illegal drug buybust operation ng San Pedro PNP.

Kinilala ni P/Col. Gauvin Mel  Unos, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na sina alyas Jay at Myra kapwa residente sa San Pedro City, Laguna.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Tyrone DG Valenzona, hepe ng San Pero Component City Police Station, nagkasa ang kanilang mga operatiba ng drug buybust operation sa Brgy. Nueva, San Pedro City, Laguna, na nagresulta sa pagkakaaresto kina alyas Jay at Myra matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa nagpanggap na poseur buyer kapalit ang marked money.

Nakompiska sa mga suspek ang tatlong pirasong plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na aabot sa 57 gramo at tinatyaang nagkakahalaga ng P387,600, isang coin purse na naglalaman ng pera, narekober din sa mga suspek ang ginamit na marked money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Pedro Component City Police Station CCPS ang nasabing mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.”

Sa pahayag ni P/Col. Unos, “Ang pagkaaresto sa mga suspek ay bunga ng matiyaga at walang pagod na pagtatrabaho ng pulisya ng Laguna. Tinitiyak namin ang patuloy na pagkilos ng ating pulisya para malipol at maiiwas natin ang ating mga kababayan sa bawal na gamot.”  (BOY PALATINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

Gun poinnt

2 LGBTQIA+ binaril sa ulo, patay

PATAY na nang matagpuan ang dalawang sinabing miyembro ng LGBTQIA+ na may mga tama ng …

SM Womens Month

SM Supermalls’ 6th International Women’s Summit Honors Women’s Excellence and Ingenuity

Women leaders, advocates, and allies gather at your most loved mall, SM for SM Supermalls’ …

arrest, posas, fingerprints

2 magkasangga arestado sa kasong homicide; sumpak at bala nakumpiska

NAARESTO ng mga operatiba ng mga awtoridad ang dalawang lalaki matapos magsagawa ng operasyon para …

Katarungan Center Deed of Usufruct Laguna Sol Aragones

Katarungan Center natugunan sa Deed of Usufruct ng Laguna 

SA PAMAMAGITAN ng isang usufruct deed, ang lalawigan ng Laguna ay pormal na nakakuha ng …

Manila Hawkers

Fire Prevention Month sa Fire Extinguisher Distribution

BILANG bahagi ng paggunita sa Fire Prevention Month, personal na namahagi ng mga fire extinguisher …