MA at PA
ni Rommel Placente
NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng kanilang ina na si mommy Bing dahil sa heart attack. Ang labi ni mommy Bing ay nakaburol sa Arlington Chapel Araneta Avenue, Quezon City.
Biglaan at hindi inaasahan ng magkakapatid ang pagpanaw ng kanilang pinakamamahal na ina. Si Cheska ay hindi pa rin matanggap na wala na sa mundong ibabaw ang kanilang mommy.
“We were all in shock, this is an awful time for the family,” sabi niya.
Sabi naman ni Patrick, “The family is overwhelmed by the sympathy given by our relatives and friends, thank you. Just please give us some personal time to grieve and process everything that has happened.”
Punong-abala sina Cheska, Pitchon, Patrick, kasama ang kanilang mga asawa na sina Nikka Garcia at Doug Kramer sa pag-eestima ng mga nakiramay sa kanilang pamilya. Ang pinsang buo nila na si Sharmaine Arnaiz ay gabi-gabi ring nasa burol at nag-eestima sa mga nakikiramay.