Sunday , December 22 2024
Bini Puregold

BINI ka-Puregold na: mula pantropiko tungong pang-grocery

NGAYONG kompirmado na ang kolaborasyon ng sikat na bandang Sunkissed Lola at ng nangunguna sa retailtainment, ang Puregold, hindi na mapakali ang mga tagasubaybay kung ano ang susunod na pasabog.

At tulad ng inaasahan, nagpatikim na ang Puregold ng video teaser na tila ipinakikita ang orihinal na musika mula sa mabilis na sumisikat na Pinoy Pop girl group, ang BINI. Dahil sa ipinakitang ito ng Puregold, daan-daang fans ang nag-comment ng kanilang pagkasabik.

Tinatawag na “nation’s girl group,” nabingwit ng BINI ang puso ng nakararami sa mga viral nitong kanta gaya ng KareraPantropiko, at Salamin na nangunguna sa mga chart at nakalikom na ng milyon-milyong stream sa iba-ibang mga plataporma. Kinabibilangan ng mga miyembrong sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena, repleksiyon ang BINI ng temang “coming-of-age”na danas ng napakarami nitong mga tagapakinig. Tampok sa mga kanta ng BINI ang mga kuwento ng pag-ibig na nagsisimula, pag-e-enjoy, pagiging malaya, at pagtanggap sa sarili–mga kaganapang itinuturing na mahalaga ng Puregold lalo na pagdating sa mga kuwentong panalo na itinataguyod nito–ang pagkamit ng tagumpay dahil sa abilidad na maging matatag at tanggapin ang mga pagkikilanlan.

Kamakailan, naglabas ang Puregold ng teaser ng orihinal na kanta ng SunKissed Lola, na nagdulot ng antisipasyon sa isang kantang magbibigay-inspirasyon na iangat ang sarili. Sa paglabas ng teaser ng BINI, may patikim na ang kanta sa paghihikayat naman sa mga tagapakinig na yakapin ang pagbabago at magtiwala sa sarili.

Patuloy na pasasabikin ng Puregold ang mga tagapakinig ng musika sa mas marami pang sorpresa na kaugnay ng proyektong ito. Nais ng Puregold na itaguyod ang Original Pilipino Music (OPM) at ang paglapit sa iba-ibang mga komunidad at uri ng musika. Sa pagsusumikap na ito, hangad ng Puregold na bigyang-diin ang mga kuwentong panalo ng mga talentadong musikero–at magbigay-inspirasyon sa mga Pilipino na tahakin ang kanya-kanyang daan tungong tagumpay.

Sa lahat ng ito, naghahanda na ang mga tagasubaybay ng Puregold sa mas marami pang kolaborasyon ng kompanya sa mga bigating Filipinong musikero, at nag-aabang ang mga nagmamahal ng musika sa mga bagong anunsiyo.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …