MA at PA
ni Rommel Placente
MIXED emotions ang nararamdaman ng magka-loveteam na Donny Pangilinan at Belle Mariano sa nalalapit na pagwawakas ng top-rating series nila na Can’t Buy Me Love na consistent sa pagiging isa sa most-watched show sa Netflix at iWantTFC.
Para kay Belle, magiging parte na ng buhay niya si Caroline, ang pangalan ng character niya sa CBML.
Sabi ni Belle, “Noong una si Caroline very stoic and now may puso siya. Grabe talaga ‘yung napagdaanan niya. Big help ‘yung directors and character kasi sa kanila ako humuhugot. I have been Caroline for eight months and she’s always going to be a part of me. Kaya parang kung anong pinagdaraanan niya, pinagdaraanan ko rin with her.”
Ayon naman kay Donny, hindi dapat palampasin ng manonood ang natitirang episodes ng serye dahil marami pang revelations.
“Sa dinami ng pinagdaanan ng BingLing pati ng buong cast, Team Binondo at mga Tiu, grabe everything is coming together. Kahit ang daming revelations na, ang dami pa rin nating tanong kung anong mangyayari sa dulo. I’m just excited honestly as a viewer to also see what’s going to happen.”
Gabi-gabi nga ay patuloy na humahamig ng halos 200,000 concurrent views ang serye. Palagi rin tinututukan ng netizens ang mga kapana-panabik na rebelasyon sa kwento pati na ang mga nakatatawang eksena ng karakter. Labis din ang papuri na natanggap ng serye sa pagtalakay nito sa mental health. Bukod dito, mas pinalago rin nila ang turismo sa Binondo at dinarayo na rin ito ng mas naraming Filipino.
Ang Can’t Buy Me Love ay nasa ilalim ng produksiyon ng Star Creatives at idinirehe nina Direk Mae Cruz Alviar, Direk Ian Loreños, at Direk Raymund Ocampo.
Abangan ang iba pang rebelasyon sa nalalapit na pagtatapos ng Can’t Buy Me Love tuwing weekdays pagkatapos ng Linlang sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, Cinemo, TFC IPTV, at TV5. Maaari ring mapanood ang serye sa Netflix at iWantTFC.