Sunday , December 22 2024
Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung sino sa  mga naging ka-loveteam niya ang pinaka-memorable?

For the record, tatlong aktor ang itinambal sa kanya sa mga pelikula at ilang TV show noong kasagsagan ng kanyang kasikatan noong dekada 80-90. Ang mga ito ay sina Janno Gibbs, Keempee de Leon, at Ogie Alcasid.

Sagot ni Manilyn, “Manilyn-Janno loveteam kasi nagsimula ‘yun sa ‘That’s Entertainment’ eh, sa ‘That’s’ talaga.”

Ang That’s Entertainment na tinutukoy ng singer-actress, ay ang sikat na sikat na youth-oriented show na napapanood noon sa GMA 7, na ang mga naging member nito ay pawang mga kabataan na kasama sila ni Keempee. At ang main host ay ang sumakabilang-buhay na, si German Moreno o mas kilala sa tawag na kuya Germs.

At ayon pa sa ibinahagi ni Manilyn sa naturang show, si Kuya Germs ang bumuo ng loveteam nila ni Janno.

Kasi mayroong event noon na it was for a launch ng isang produkto and then sabi ni Tito Germs, before that day, sabi niya, ‘Baka sinong gustong pumunta? Pumunta kaya kayo?’ Ganoon,” ani Manilyn.

Ang sabi raw sa kanila noon ni Kuya Germs ay kumanta sila sa event, at doon na nga nagsimula ang pagsi-ship ng manonood sa kanilang loveteam.

Talagang ‘yung mga tao, sobrang tilian, kilig-kilig. So mula noon, lagi na kaming nagdu-duet, so naging loveteam na talaga kami ni Janno,” aniya pa.

Kasunod nito, naging malaking isyu ang paghihiwalay nila bilang loveteam at bilang magkarelasyo na rin, kasabay ng pagsikat ng classic OPM hit song niya na Sayang na Sayang Lang.

Marami ang nagpalagay noon na isinulat ang nasabing kanta para kay Janno. Pero paglilinaw ni Mane, wala itong bahid ng katotohanan.

Actually, hindi! Kasi ibinigay sa akin ‘yung song na ‘yun, well sabagay wala naman talagang explanation ang Octo Arts kung para kanino.

“Pero ‘yung sumulat niyon is si Mr. Ben Escasa. Noong ibinigay sa akin ‘yun, wala ring pasabi,” aniya.

“’Basta’t ito ‘yung kanta, kantahin mo ‘to.’ ‘Yun ang sabi sa akin. At dahil nga timing na timing din sa pagkakahiwalay ng loveteam, tumulak ngayon ‘yung kanta,” paliwanag pa ni Manilyn.

Samantala, after mabuwag ang tambalan nila ni Janno ay itinambal na siya kay Keempee. Nakagawa sila ng ilang pelikula at TV series.

Nagtambal din sila noon ni Ogie. “Nag-start naman ‘yung kay Ogie kasi dahil doon sa pagkakahiwalay ng loveteam (namin ni Keempee), tapos nagkaroon ng ‘Nandito Ako’ na song niya.

“So pinagtagpo ng mga tao na it was for me, ‘yung mga ganoon.

“Although nag-movies din kami, oo, but it was because of ‘yung mga kanta namin sa Octo Arts naman noon.

“So nag-duet kami ni Ogie, and then we wrote ‘Pangako’ together,” pagbabalik-tanaw pa ni Manilyn.

About Rommel Placente

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …