Sunday , April 27 2025
Taguig

Kapitanang inireklamong ‘nambastos’ ng kabataan, isinumbong sa Taguig mayor

UMAPELA sa mga kinauukulan ang ilang residente ng East Rembo, Taguig City kay Mayor Lani Cayetano para silipin at imbestigahan ang sinabing walang habas na pagmumura at paninigaw ng isang kapitana ng barangay sa mga kabataan, kamakalawa ng gabi sa Brgy. East Rembo.

Ayon sa mga residente, dumating ang kapitana sakay ng kanyang sasakyan at nadaanan ang mga kabataan sa tapat ng kanilang bahay.

Bumaba ang kapitana at sinita umano ang mga kabataan imbes pakiusapan nang maayos ay pinalalayas, pinagsisigawan, at pinagmumura sila kasama ng kanyang asawa at anak na lalaki, na sinabing nagawa pang sugurin ang mga kabataan habang pilit na inaawat.

Ayon sa mga residente, naniniwala silang pang-aabuso ito dahil pati ang kanyang posisyon bilang kapitana ay ipinagsisigawan at ipinagmamalaki pa.

Puna ng ilang residente, ‘nagde-demand’ umano si kapitana ng respeto pero hindi niya maibigay sa kanyang constituents katapat nito.

Hiling ng mga residente, lalo ng mga nasaktang kabataan, na sana’y maging mabuting public servant si kapitana.

Dahil sa inasal umano ng kapitana, naikomentong ganyang talaga umasta ang mga alagad ng kanilang dating alkalde — siga.

Nanawagan ang mga nasaktang partido sa Department of the Interior and Local Government (DILG), Tulfo in Action, DILG  National Capital Region, at kay Chairman Benhur Abalos upang aksiyonan ang nasabing ng public servant.

Sa pamamagitan ng video na ini-upload ng isang Mike sa kanyang Facebook account mula sa anonymous sender, nanawagan kay Mayor Lani Cayetano na tingnan ang reklamo ng mga bagong residente ng Taguig na natatakot na dahil sa asta ng nasabing kapitana.

Sa panig ng kapitana, sinabi niyang dapat iniresepeto siya at nakinig sa kanya ang mga menor de edad nang papasukin niya sa kani-kanilang bahay.

Inamin niyang siya ang unang bumaba sa sasakyan at unang ‘sumugod’ sa mga menor de edad na nasa kalsada at hindi ang kanyang mister. (BS)

About Bong Son

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …