Sunday , December 22 2024
Janella Salvador Karylle Showtime

Janella ipinagtanggol ni Karylle: She’s not feeling well…it meant nothing

MA at PA
ni Rommel Placente

NAKAHANAP ng kakampi si Janella Salvador kay Karylle.  Ipinagtanggol kasi ng huli ang una sa mga nagsasabing binastos ni Janella si Kim Chiu sa isang episode ng It’s Showtime.

Na-bash kasi si Janella nang tila barahin at ipahiya raw niya si Kim nang mag-guest siya sa April 2 episode ng noontime show.

Nag-promote ang aktres at singer sa It’s Showtime kasama ang Thai actor na si Win Metawin para sa pelikula nilang Under Parallel Skies at sa upcoming concert at bago niyang single na Headtone.

Biglang humirit si Kim kay Janella na magpasampol sa madlang pipol ng bago niyang kanta pero hindi pa tapos magsalita ang una ay sinagot agad siya ng huli.

“Medyo paos ako today. Kayo na lang,” sey ni Janella kay Kim. 

Mabilis naging trending topic sa social media ang usapan ng dalawang Kapamilya stars.

Sabi ng ilang netizens binastos daw ni Janella si Kim sa mismong show nito.

Sa guesting ni Karylle sa Magic 89.9 radio/online show ay natanong ni DJ Mo Twister si Karylle tungkol sa isyu.

Paglilinaw ni Karylle, “It’s just that Janella is not feeling so well, and she’s preparing for her big concert, and she’s doing movie press.

“Siguro she’s not able to really rest and recover properly. So, we just asked her to do ‘sampol, sampol,’ but she wasn’t ready for it coz, obviously, she wants to be on tip-top shape for her concert.

“So, yeah, yeah, it was like a little moment that, you know, parang maybe to some people online, it meant something. But, you know, she just really couldn’t sing at that moment,” litanya ni Karylle.

In-explain din ni Karylle ang pinanggagalingan ng “kayo na lang” comment ni Janella kay Kim, “Prior to that interview with Janella and Win, there was a moment when Janella and Win.

“Kim Chiu and Anne Curtis did ‘Gusto Ko Nang Bumitaw,’ so she (Janella) meant was, ‘You guys sing so well (like the) voice ni Sheryn and it was so high, going higher and higher.’

“That’s why she said, ‘Kayo na lang,’ kasi that’s what she meant. That was her reference naman,”paliwanag pa ni Karylle.

About Rommel Placente

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …