LAGUNA — Umabot sa 12 bayan at lungsod sa lalawigan ng Laguna ang nakapagtala ng mga hinihinalang kaso ng pertussis o whooping cough.
Batay sa datos na inilabas ng Laguna Provincial Health Office, umabot sa 48 kabuuang kaso sa lalawigan mula 1 Enero hanggang 30 Marso 2024, na may 17 kompirmadong kaso habang 31 suspected cases.
Pinakamarami ang naitalang kaso sa Santa Rosa City na nagdeklara ng pertussis outbreak ang lokal na pamahalaan.
Sinundan ito ng mga lungsod ng Calamba at San Pedro, na nakapagtala ng dalawang confirmed cases.
Samantala, nakapagtala ng suspected cases ang mga lungsod ng Biñan, San Pablo, at Cabuyao at mga bayan ng Alaminos, Los Baños, Paete, Rizal at Santa Cruz. (BOY PALATINO)