MA at PA
ni Rommel Placente
SA April 19 ay ipagdiriwang ni Kim Chiu ang kanyang ika-34 kaarawan. Inaasahan ng publiko na magkakaroon din siya ng bonggang celebration gaya ni Kathryn Bernardo na bongga ang ginawang pagdiriwang.
Katulad ni Kath, ito rin ang first birthday celebration ni Kim na single siya.
Sa kanyang latest Instagram post ay nagparamdam na nga si Kim tungkol sa kanyang nalalapit na kaarawan.
“HELLO BIRTH MONTH!!!🎂♉️ please be kind to me!🩷😇🙏🏻” sey ng aktres.
Sa comment section ay kinantyawan siya ng kanyang BFF na si Angelica Panganiban.
“Balita ko bongga party mo 😂,” sey ni Angelica.
Sagot naman ni Kim, “@iamangelicap bwahahahhahaha 😂😂😂 malalaman!!!!😂😂😂 hahahha.”
Kaya naman ngayon pa lang ay inaabangan na ng lahat ang birthday celebration ni Kim at kung kakabugin ba niya ang selebrasyon ni Kathryn.
At kung may Alden Richards na dumating sa kaarawan ni Kath, inaasahan ng mga tagahanga nina Kim at Paulo Avelino, ang KimPao, ang pagdalo ng aktor sa party ni Kim, if ever.
Well, sigurado naman kami na darating si Paulo kung may celebration nga si Kim sa kanyang nalalapit na kaarawan. Alam naman namin kasi, kung gaano ka-espesyal si Kim kay Paulo.