Wednesday , November 12 2025
Kathniel Daniel Padilla Kathryn Bernardo

Daniel binati ng happy birthday si Kathryn  

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BINATI ni Daniel Padilla ang ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo para sa kaarawan nito kahapon.

Ito ang paniwala ng loyal KathNiel fans nang mag-post ang binata sa social media ng isang pagbati na bagamat walang pangalan ng dating karelasyon, mabilis naman iyong hinulaan ng kanilang fans na para sa dalaga ang pagbati ng binata.

Sa post ni Daniel sa kanyang Instagram Story, isang blurred photo na mala-selfie ni Kathryn ang makikita at nakasulat ang “Happy Birthday” sa Japanese.

Mayroon ding sunflower emoji sa lower left ng IG story kaya mas lalong lumakas ang paniwala ng fans na para sa ika-28 kaarawan nga iyon ni Kathryn kahapon, March 26.

Wala pa namang reply si Kathryn sa IG story na iyon ni Daniel habang isinusulat namin ito.  

Pero marami na ang kinilig sa aksiyon na iyon ni Daniel na bagamat hiwalay na’y hindi nakalimot batiin ang dating girlfriend. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Formula 5

First anniversary concert ng Formula 5, special at patok

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGING espesyal ang ginanap na first anniversary concert ng  Formula …

Seth Fedelin Francine Diaz

Seth at Francine wala pa ring level ang relasyon

HARD TALKni Pilar Mateo ANGAT na sa lebel nila bilang mahuhusay na mga bagong artista …

Viva Movie Box

Viva Movie Box patutunayan ang tagline na Mahirap Bumitaw

MATABILni John Fontanilla SA celebration ng 44th anniversary ng Viva Entertainment sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario at …

Nadine Lustre 23 bday business

Nadine kaseksihan nag-uumapaw   

MATABILni John Fontanilla OOZING with sexiness ang ibinahaging mga larawan ni Nadine Lustre sa kanyang  32nd birthday. Ang …