MATABIL
ni John Fontanilla
ALIW na aliw ang netizens sa video na huling-huling nagti-take out ang megastar na si Sharon Cunetang handa mula sa party ng kanyang pinsan na si Quezon City Vice Mayor Gian Sotto na nag-celebrate ng ika-46 kaarawan nito kamakailan.
Bitbit ni Sharon ang isang malaking white plastic container at dito inilalagay ang napiling handa na iuuwi mula sa birthday ni VM Gian.
Kuha ang nasabing video ng kanyang pinsan na si Ciara Sotto at habang kumukuha ay ay sinasabi nitong, “Pasensya na. Happy birthday, my brother Gian. I love you and thank you for my ‘balutin mo ako.’ These are for my babies, my husband and my children.”
Tsika pa ni megastar, may basbas ni VM Gian ang pagbabalot niya dahil nagpaalam siya rito.