Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arjo Atayde Joy Belmonte Sylvia Sanchez Art Atayde

Cong Arjo ‘di lalabanan Major Joy sa pagka-mayor

MATABIL
ni John Fontanilla

MARIING pinabulaanan ni Sylvia Sanchez ang bali-balitang kakalabanin ng anak niyang si Quezon City District 1 Congressman Arjo Atayde si Mayor Joy Belmonte sa 2025 elections.

Ayon kay Sylvia, malaki ang utang na loob ni Arjo ka’y Mayor Joy dahil ito ang gumabay at tumulong nang magdesisyon ang panganay na anak na pasukin ang politika.

Tsika nga nito sa isang interview, “Si Mayor Joy ang tumulong sa kanya, ang nagpapasok sa kanya rito (politika) at naging mentor niya. Sinabi niya talaga sa akin, ‘Hindi ko lalabanan si Mayor Joy Belmonte. ‘Yan ang nanay ko rito (Quezon City)’.”

At kahit nga silang mag-asawa(Art Atayde) ay ‘di sasang-ayon na tumakbo bilang mayor ng QC si Arjo at kalabanin si Mayor Joy.

Hindi lalaban si Arjo kay Joy Belmonte. Imposible ‘yun. Una, aayawan ni Arjo, pangalawa aayawan naming mag-asawa. Mahal ni Mayor Joy si Arjo.”

Ang sigurado ay muling tatakbo sa pagka-Kongresista ng Distrito 1 ng Quezon City si Arjo at hindi sa pagiging mayor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …