Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Stab saksak dead

Mister todas sa saksak ng kapitbahay na mangingisda

PATAY ang isang mister matapos pagsasaksakin ng kanyang kalugar sa Navotas City, kamakalawa ng umaga.

Dead on arrival sa Navotas City Hospital (NCH) ang biktimang kinilalang si alyas Alfredo, 45 anyos, residente sa Brgy., Tangos South, sanhi ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Naaresto sa follow-up operation at ipiniit sa detention cell ng Navotas City police ang suspek na si alyas Victor, 43 anyos, mangingisda, residente rin sa nasabing lugar, nahaharap sa kasong Murder.

Ayon kay Navotas City police chief P/Col. Mario Cortes, dakong 9:10 am nang maganap ang pananaksak ng suspek sa biktima sa A. Cruz St., Brgy. Tangos South, na hindi pa rin natutukoy kung ano ang dahilan.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek sa hindi natukoy na direksiyon dala ang ginamit na armas habang isinugod ang biktima sa nasabing ospital ngunit hindi na umabot nang buhay.

Sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ng Police Sub-Station 2 sa pangunguna ni P/Cpt. Edward Adriano, naaresto ang suspek at nakuha ang isang patalim na ginamit sa pananaksak. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …