Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Dahil umano sa utang…
VOLUNTEER SOCIAL WORKER, PINAGBABARIL

BINIGYAN na ng proteksiyon ng pulisya ang pamilya ng volunteer social worker na pinagbabaril hanggang sa mapatay sa harap mismo ng kanyang ina sa Caloocan City.

Ito’y matapos makatanggap ng pagbabanta sa kanilang buhay ang pamilya ng napaslang na si Mark Anthony Adobas, 19 anyos,  makaraang madakip ng mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang isa sa dalawang suspek, isang araw matapos maganap ang krimen, nito lang Pebrero 15 sa mismong bahay ng biktima sa Avocado St. Brgy. 178, Camarin.

Sa pahayag ng 54-anyos na ina ng biktima sa pulisya, nasa sala sila ng kanyang anak nang dumating ang suspek dakong 10:30 ng gabi at pinagbabaril sa mukha at katawan ang kanyang anak na gumagamit noon ng laptop.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, una ng nakatanggap ng pagbabanta ang biktima matapos akusahan ng pagiging balasubas dahil sa hindi pagbabayad ng utang.

Ipinarating ni Adobas sa barangay ang pagbabanta subalit hindi pa natatapos ang usapin ay napaslang na ang biktima.

Ayon kay Col. Lacuesta, positibong kinilala ng ina ng biktima sa hanay ng mga taong may mga nagawa ng krimen ang umano’y gunman na si alyas Melvin, 21 anyos, residente ng Camia St. Brgy. 177 na nadakip sa follow-up operation nina P/Maj. Valmark Funelas, Commander ng Caloocan Police Sub-Station 10.

Sinabi pa ni Col. Lacuesta na nasampahan na nila ng kasong murder at illegal possession of deadly weapon sa Caloocan City Prosecutor’s Office ang suspek matapos makumpiskahan ng patalim habang tinutugis pa ang kanyang kasabuwat at ang hinihinalang utak sa krimen na nag-akusa sa biktima ng hindi pagbabayad ng utang.  (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …