Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dragon Lady Amor Virata

Surot, surot at surot pa…

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

MAPUPULANG pantal at ubod nang kating naranasan ng ilang pasahero sa upuan ng NAIA Terminals 2 &3 sanhi ng kawalan ng malasakit sa “Sanitation at Cleanliness” — ng management na binubuo ng mga opisyal ng NAIA. Puro lampaso lang sa mga sahig na tiles na tinatapakan, nakasentro ang mga itinalagang nangangasiwa na general services bukod sa paghakot ng mga basura sa loob ng terminal 2 at 3.

Iyang surot parang Covid ‘yan, ‘pag inupuan ng pasaherong may bitbit na surot, madaling kakapit sa susunod na uupo.

Nagtatago ‘yan sa mga singit ng upuan at kapag nangitlog ay nauupuan at napipisa, kakapit ito sa damit at maglalakbay sa balat ng tao na kadalasan ay sa hita o sa likod ng binti. Kahit naka-pantalon ka ay kakapit ito sa ating mga katawan.

Nag-viral ang surot sa mga nabanggit na terminal sa social media. Kahit palitan ‘yan ng mga bagong upuan walang magagawa kung patuloy ang may bitbit na surot mula sa mga pasaherong nagbitbit ng surot galing sa kani-kanilang lugar.

Regular na dapat linisin at ipagpag ang mga upuan at gumamit ng mga pamatay surot. ‘Yung ibang pasahero nahihiga pa lalo na kung delayed ang mga flight.

Ang resulta hanggang eroplano ay bitbit ang surot kaya ‘di na rin ligtas ang mga on board na pasahero, kaya nga buti pa ang surot libre nang makarating sa ibang bansa at ‘yung mga pauwi sa bansa galing sa ibang bansa na nadikitan ng mga surot ay may pasalubong na surot sa kanilang mga mahal sa buhay.

Sa aking pagkakaalam, sa mismong bahay natin ay maiiwasan ang surot kung malinis ang kapaligiran, walang iniwan ang surot sa kagat ng garapata mula sa mga alagang aso. Makati sobrang, kati hanggang magsugat.

Naalerto ang management ng NAIA kaya pinalitan na ang upuan ng mga pasahero.

Teka paano naman ang mga surot na mga empleyado? Na kumakagat sa mga bulsa ng mga pasahero? E di wow!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …