MULING Inaresto ng mga operatiba ni MPD Station 3 commander PltCol Leandro Gutierrez ang tinaguriang drag queen na si Pura Luka Vega sa bisa ng Warrant of arrest sa kasong immoral doctrines, obscene publications and exhibitions at indecent shows.
Matatandaan na Oktubre 2023 unang inaresto si Luka dahil sa nasabing kaso.
Ang naturang pagaresto ay muling pinangunahan ni PMAJ Billy Canagan ng Intelligence and Warrant Section ng naturang prisinto.
Ito ay base sa warrant of arrest na inilabas ng Quezon City RTC Branch 306 na may kaukulang piyansa na P360,000. (BRIAN BILASANO)