INIREKLAMO sa kasong Qualified Theft ang isang empleyada na si alyas Laarni 31-anyos, Public Relations, tubong Tacloban at huling nanirahan sa Pamplona 3 Las Piñas City dahil sa pagtangay ng Php800,000 cash na nakita pa sa CCTV sa pingattabahuhan nitong hindi nagpabanggit na kumpanya sa Entertainment City Tambo Parañaque.
Sinampahan ng naturang kaso ang babae na kasalukuyang pinaghahanap ng dati nitong kumpanya na naglabas rin ng cash reward na P100,000.00.