Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
DOH Hagonoy CARES

DOH, suportado ang Hagonoy CARES program para kalingain mga may sakit sa puso

PATULOY na magbibigay ng iba’t ibang uri ng suporta ang Department of Health (DOH) para sa pagtataguyod ng Hagonoy CARES o Cardiovascular Assessment Recovery and Emergency Services ng Pamahalaang Pambayan ng Hagonoy.

Ayon kay DOH-Region III Regional Director Corazon Flores, pinili ng ahensiya na sa Hagonoy isagawa ang pagdiriwang ng Philippine Heart Month ng Bulacan, dahil dito naitala ang may pinakamaraming kaso ng mga may heart-related diseases sa lalawigan.

Base sa tala ng DOH, nangunguna ang Hagonoy sa may pinakamataas ang bilang ng kaso sa Bulacan na aabot sa pitong libo.

Ipinaliwanag ni Regional Director Flores na base sa pag-aaral ng ahensiya sa paraan ng pamumuhay ng mga taga-Hagonoy, sobrang masasarap ang kinakain ng mga tagarito sa araw-araw gaya ng hipon, sugpo, alimango, alimasag, talangka, taba ng talangka at iba pang yamang dagat kung saan nandito ang kunsignasyon.

Kaya’t minabuti ng Pamahalaang Bayan ng Hagonoy na itaguyod ang Hagonoy C.A.R.E.S. na ayon kay Mayor Flordeliza Manlapaz, isa itong komprehensibong programa na tumututok sa bawat isang taga-Hagonoy na ang sakit ay may kinalaman sa puso.

Literal na inisa-isa ng Municipal Health Office o MHO ang bawat tahanan sa lahat ng 26 na mga barangay ng Hagonoy hanggang sa matunton kung sinu-sino ang may sakit sa puso.

Agad silang isinasailalim sa komprehensibong check-up at buwan-buwan ay sinusuplayan ng libreng gamot bilang maintenance. Iba pa rito ang buwanang dalaw din ng doktor na libre rin. Ayon kay MHO Head Dr. Rommel Pajela, umaabot sa P600 libo ang nagugugol ng pamahalaang bayan sa Hagonoy C.A.R.E.S. Program sa bawat taon.

Bukod dito, tumutulong din aniya ang DOH sa programang ito kung saan aabot mula sa halagang P1.8 milyon o P2.4 milyon ang naipagkakaloob mula sa gamot, pagpapaospital at iba pang kailangan ng isang tao na may ganitong sakit.

Mas mataas ito ng tatlo hanggang apat na beses sa nailalaang pondo ng pamahalaang bayan para sa nasabing programa.

Kung ang isang pasyente naman ay kinakailangang madala sa Philippine Heart Center para sa check-up o operasyon, naglalaan ng mga ambulansiya o Patient Transport Vehicle ng pamahalaang bayan upang maihatid at maiuwi ito.

Sasagutin na rin ng pamahalaang bayan ang anumang pangangailangan ng isang pasyente matapos sumailalim sa operasyon.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Regional Director Flores ang mga taga Hagonoy, anuman ang kanilang edad, na mas piliin ang pagkakaroon ng isang malusog na puso sa pamamagitan ng pagbabalanse sa uri ng mga kinakain.

Tiniyak din nito ang patuloy na pagsuporta at pagtulong ng DOH sa Hagonoy C.A.R.E.S. Program. Umaasa rin siya na magkaroon ng katulad nitong programa ang mga bayan at mga lungsod sa Bulacan at sa gitnang Luzon. (MICKA BAUTISTA) 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …