Monday , December 23 2024
Sa DigiPlus maging responsableng gamer, puwede

Sa DigiPlus
MAGING RESPONSABLENG GAMER, PUWEDE

PINAIIGTING ng DigiPlus Interactive Corp. (DigiPlus), operator ng mga nangungunang digital platform gaya ng BingoPlus, ArenaPlus, at PeryaGame, ang tawag para sa responsableng mga gawi sa gaming, sa gitna ng pag-iimbita nito sa mga costumer na sumali sa kapana-panabik nitong mga handog. Bilang pinakamabilis na grupo ng digital entertainment sa bansa, hatid ng DigiPlus ang walang humpay na saya at laro, pero kung may kasamang pera, alam nitong kailangan ng lebel ng kontrol sa sarili upang makamit ang pinakapositibong karanasan sa paglalaro.

Ayon sa Association of Certified Gaming Compliance Specialists (ACGCS), “Ang responsableng paglalaro ay ang pagtaya sa paraang nababawasan ang potensiyal na negatibong epekto na maaari nitong maibigay sa mga indibiduwal at sa lipunan.” (“Responsible gaming is the practice of gambling in a way that minimizes the potential negative effects that it can have on individuals and society.”)

Sang-ayon dito si Andy Tsui, Presidente ng DigiPlus, at ayon sa kaniya, isa sa mga pundasyon ng kanilang negosyo ang responsableng paglalaro. “Sa operasyon namin sa DigiPlus, sinisiguro naming alinsunod ang aming mga gawi sa hinihinging regulasyon ng PAGCOR para sa mga kompanya ng paglalaro. (“DigiPlus works to ensure that the necessary and vital regulations PAGCOR sets for gaming companies in the Philippines are strictly observed.”) Gayonpaman, hangad ni Tsui na marunong din ang mga customer ng DigiPlus pagdating sa pagiging responsable sa kanilang paglalaro, sa paraang dama pa rin ang ang aliw at saya sa kanilang mga nilalaro.

May ilang mga paraan para mapanatili ang malusog at positibong relasyon sa paglalaro. Narito ang ilang mga tip na hango sa mga payong ibinigay ng Responsible Gaming Council (RGC):

Magtakda ng limitasyon. Kung naglalaro, magtakda ng limitasyon sa dalawang bagay: budget at oras. Bago maglaro, magsimula na mayroong estriktong budget. Huwag itaya ang perang hindi mo kayang mawala sa iyo, at huwag din mangutang para lamang sa paglalaro.

Kasabay nito, ang pagdedesisyon ng malinaw na oras at iskedyul para sa mga sesyon ng paglalaro ay makatutulong upang maiwasan ang sobra-sobrang paglalaan ng panahon dito. Maglaro ayon sa iyong makakaya upang hindi nito punan ang malaking espasyo ng iyong buhay.

Maglaro lamang nang may malinaw na isip. Bantayan ang iyong mental at pisikal na estado bago magsimula sa paglalaro. Huwag sumugal kung malungkot o may nararamdamang stress dahil maaapektohan nito ang iyong pagdedesisyon. Limitahan din ang pag-inom ng alak kapag naglalaro. Panatilihing kalmado at malinaw ang isip sa lahat ng pagkakataon. Nakatutulong din ang pagpapahinga. Lumayo sa gaming table o phone kung minsan, at gumalaw-galaw bago bumalik sa paglalaro.

Huwag ‘habulin’ ang iyong mga pagkatalo. Palaging lumahok sa mga laro na handang mawala sa iyo ang pera na itataya. Ang mga laro sa mga DigiPlus at sa BingoPlus, ArenaPlus, at PeryaGames apps ay nakataya sa tsansa, kaya walang garantiya na maibabalik ang iyong mga bayad.

Iwasan ang tinatawag na “sunken cost syndrome” na hindi tumitigil sa pagsubok upang makakuha ng positibong resulta, lalo’t dulot lamang nito ang paglalabas ng maraming pag-aari sa iisang layunin. Maging disiplinado sa iyong budget at handa na tanggapin ang mga natalo at nawala.

Umaasa si Andy Tsui na kung seseryosohin ng mga customer ng DigiPlus ang mga gabay na ito, magiging positibo ang kanilang karanasan sa paglalaro. “Nagsisikap ang DigiPlus na maging estrikto sa paglalapat ng mga regulasyon ng PAGCOR sa aming mga pasilidad sa paglalaro. Dahil dito, tiwala kaming ligtas ang mga espasyong nililikha namin para sa aming mga customer at sa kanilang hilig sa paglalaro.” (“DigiPlus endeavors to strictly implement PAGCOR-approved regulations and guidelines as customers use our gaming facilities. This way we are confident that we can create safe spaces for them to have fun and enjoyment at all times.”)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …