Wednesday , May 14 2025
FESSAP

FESSAP-APUG 3×3 Philippines didribol sa Marso 15-17

IPINAHAYAG ng One Dream Sportsman, sa pamumuno ni basketball coach Dr. Norman Afable, ang pagdaraos ng Asia Pacific University Games ((APUG) 3×3 Philippines – isang qualifying tournament para sa Asia Pacific University Games 3×3 Championship – na nakatakda sa Marso 15-17 sa Marikina City Sports Gymnasium at Bulacan Center sa Malolos .

Sa pakikipagtulungan ng Federation of School Sports Association of the Philippines (FESSAP), ang liga ay para sa lahat ng mga interesadong eskwelahan, kolehiyo atunibersidad at bukas sa  mga estudyante na may edad 25-under.

Ang torneo ay bahagi ng programa ng FESSAP na mapatatag ang pagsulong ng basketball sa grassroots level at mabigyan nang mas maraming pagkakataon para sa mga manlalarong Pilipino na mahasa ang kanilang kasanayan at maabot ang potensyal na maglaro sa mga lokal pro league gayundin sa abroad.

“It’s an honor and great privilege, kaya nagpapasalamat ako na mapagkatiwalaan ng FESSAP to run this league and to help our young players to reach their full potential para maging handa sa pagkakataong dumating sa kanilang career,” pahayag ni Afable, dating collegiate standout at organizers ng grassroots basketball league.

“Maraming pagkakataon ngayon.  In-demand ang ating mga manlalaro sa Korea, Japan at China pati na rin sa Middle East. Yung exposure na makukuha ng ating mga players ay malaking tulong para mas maging handa sila kung dadalhin nila ang career sa abroad,” adugtong ni Afable, naitalaga ring Chairman and Sports Marketing and Operation ng liga.

Ang isa pang beteranong coach na si Jojo Castillo ay ang tournament director.

Sinabi ni Afable na ang liga ay naghahanap ng 20 eskwelahan at bukas maging sa mga hindi miyembro at kaanib na paaralan ng FESSAP. Ang deadline para sa pagsusumite ng paglahok ay sa Pebrero 28.

“Ang mga paaralan ay pinapayagan na bumuo ng dalawang koponan. Tinarget namin ang 20 participants, ngunit kung marami pang team na sasali, hahatiin namin sila sa tatlong grupo; single-round elimination ang format,” ayon kay Afable.

Bukod sa P25,000 na kabuuang pot purse, ang nangungunang apat na koponan sa torneo ay awtomatikong kwalipikado para sa Asia Pacific University Games 3×3 Championship, na kung saan ang bansa ay magho-host sa unang linggo ng Mayo. (HATAW NEWS TEAM)

About Henry Vargas

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …

Bustos Bulacan

Nagpakilalang taga-media at Comelec
Headquarters ng kandidatong VM pinasok ng armadong kalalakihan 

NAHINTAKUTAN ang ilang residente na nasasakupan ng isang barangay matapos pasukin ng mga armadong kalalakihan …