Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sylvia Sanchez Maine Mendoza Arjo Atayde Zanjoe Marudo Ria Atayde Rhea Tan Beautederm

Sylvia Sanchez atat nang maging lola

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

GUSTONG-GUSTO nang magkaroon ng apo ni Sylvia Sanchez kay Maine Mendoza. Ito ang unang birada sa amin ng aktres nang makausap sa 1st anniversary ng Beautederm Headquarters sa Angeles, Pampanga kasabay din ng pagdiriwang ni Chinese New Year noong Sabado.

 Kinumusta kasi namin kay Ibyang (tawag kay Sylvia) kung magkakaroon na ba siya ng apo at dito niya nasabi na naghihintay siya ng pasabi mula sa anak na si Arjo Atayde at si Maine.  

“Naku matagal ko na ngang gustong magka-apo, 52 na ako. Wala pa namang lumalapit sa akin para sabihing, ‘Mama, magkaka-apo ka na.’”

Pero nilinaw ni Sylvia na hindi niya pine-pressure ang kanyang mga anak dahil buhay pa rin nila iyon. 

“Gusto ko na magka-apo, magka-anak sila na ready na sila. ‘Yung pwede silang kapag andyan ang baby, pwede nilang sabihin na, ‘Mama relax muna kami, hindi muna kami magtatrabaho. Gusto muna naming alagaan ang anak namin.’ ‘Yung ganoon, nasa level silang ganoon,” tsika ni Ibyang na ‘Mami La’ ang ipatatawag niya sa magiging apo niya. 

Inamin din ni Sylvia na naiinip na talaga siya na magka-apo. Pero sinasabi sa kanya ng mga anak niya na, ‘chill ka muna mama.’

Natutuwa naman siya sa magandang samahan, relasyon nina Arjo at Maine dahil kitang-kita niya ang pag-aalagaan at pagsusuportahan ng mga ito.

Natanong din ng mga entertainment press na dumalo sa pa-Chinese New Year ng CEO at presidente ng Beautederm na si Miss Rhea Anicoche Tan kay Sylvia kung may balak nang magpakasal sina Ria at Zanjoe Marudo?

“Hindi ko alam kay Zanjoe, si Zanjoe ‘yan, eh. Sa kanya ‘yun, wala sa akin ‘yun.”

“Hindi ko para pangunahan si Zanjoe, maghihintay ako kung ano ang gusto nilang dalawa. Sila ‘yan, eh.

“Dahil nanay ako, magiging mother in law o anuman, wala, ayokong pakialaman, ayokong pasukin ‘yung relasyon nila, bahala silang dalawa riyan,” nakangiting pahayag ni Sylvia.

Binigyang linaw naman ni Sylvia na hindi totoong tatakbong mayor ng Quezon City si Arjo. Anito, tatakbong muli si Arjo sa 2025 bilang re-electionist o representive ng 1st district ng Quezon City.

Samantala, dumalo rin sa 1st anniversary ng Beautederm Headquarters ang ilan sa mga loyal at effective celebrity ambassador nito sa pangunguna nga nina Sylvia, Carlo Aquino, Sam Milby,  ang latest endorser na si Gillian Vicencio. Nananatili ang magandang relasyon ni Sylvia sa Beautèderm lady boss.  

Ang iba pang ambassadors ni Ms. Rei na nakisaya rin sa naganap na Chinese New Year celebration ay sina DJ Jhai Ho, Patricia Tumulak, Alma Concepcion, DJ ChaCha, Kimson Tan, Darla Sauler, Ynez Veneracion at marami pang iba.

Sa kabilang banda, tuloy-tuloy ang tandem nina Sylvia at Lorna Tolentino sa pagpo-prodyus at pagbili ng pelikula para maipalabas dito sa atin. 

“Marami kaming naka-iskedyul (prodyus) ni LT this year. ‘Yung pagbili ng movie abroad namimili talaga kami ‘pag may maganda. Alam mo naman dito sa atin medyo mahina pa rin ang theatrical. Kung may magandang matitisod why not, pero kung alanganin hindi muna.

“Ang pagpoprodyus naman ng Nathan Studios ay tuloy-tuloy din. Ang nangyayari lang dinadala muna namin abroad like Topak. This year ipalalabas na namin sa Pilipinas ang Topak. Mayroon lang munang dalawang festivals abroad na pupuntahan then balik na rito sa ‘Pinas. 

“‘Yung Metro Manila Film Festival entry naman sure sa 2025. Kasi gagawin namin ng matagal para hindi minadali, sisiguraduhin namin na maganda talaga at maayos. This year, wala pa,” sunod-sunod na pagbabahagi pa ni Sylvia. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …