Monday , May 12 2025
Sharon Cuneta

Sharon may iniindang sakit sa paa at hita

MA at PA
ni Rommel Placente

SA interview kay Sharon Cuneta ng ABS-CBN News, nagkuwento siya tungkol sa kanyang health condition.

Aniya, kailangan niyang magpa-therapy dahil sa  patuloy na pananakit ng paa at hita. Hirap na hirap na raw siyang maglakad ngayon.

Sabi ni Sharon, “It has nothing to do with bone or muscle. It’s nerve. So I need to do physical therapy. I’m still limping. My meds have been up. But thank God it’s nothing worst than that.

“It’s very painful, so when I walk, napipilitan akong mag-limp because all over the leg. But in time, I’ll be fine. It depends on the therapy,” aniya pa.

Sa lamay ng yumaong ABS-CBN executive na si Deo Endrinal nakapanayam ng ABS-CBN News si Sharon. Na ayon sa Megastar, hindi raw talaga sila super close ni Deo pero naniniwala siya na inirerespeto at mahal  nila ang isa’t isa, kaya nagpunta siya sa burol nito.

We didn’t really have a very close friendship. But always a very good and pleasant relationship at work. ‘Coz Deo is the kind of person who never said one thing and then another thing.

“He was always like ‘yes or no’. Never beating around the bush,” ang sabi pa ni Sharon tungkol kay Deo.

There was a lot of respect he had for me and me to him. I hope it was mutual. I believe it was a mutual.”

Kung hindi nagkakamali ang mommy ni KC Concepcion, ang huling usapan nila ni Deo ay tungkol sa susunod niyang project under Dreamscape Entertainment. Huli siyang napanood sa FPJ’s: Ang Probinsyano, na proyekto ni Deo.

About Rommel Placente

Check Also

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Kakie Pangilinan

Anak ni Sharon na si Kakie idinaan sa sulat kamay na liham paghingi ng suporta sa amang tumatakbong senador

ni MARICRIS VALDEZ IBINIDA ni Sharon Cuneta ang makabagbag-damdaming liham ng kanilang anak ni senatorial candidate Francis “Kiko” …

Sam SV Verzosa

‘Pag pinalad mahalal
Sam Versoza ipatutupad agad P2K para sa mga senior at PWD

ni ROMMEL GONZALES ANO ang unang gagawin ni Sam “SV” Verzosa kapag pinalad siyang mahalal bilang alkalde …

Benhur Abalos

Benhur Abalos nagulat pag-endoso ni Vice Ganda; Roselle Monteverde iginiit unahin ang bansa

ni MARICRIS VALDEZ MALAKI ang pasasalamat ni Senatorial candidate Benhur Abalos kay Vice Ganda sa pag-eendoso sa kanya. Sa …