Friday , May 16 2025
Fifth Solomon Toni Gonzaga Pepe Herrera

Direk Fifth Solomon pinatulan mga nagnenega sa kanilang pelikula

HINDI nagustuhan ni Fifth Solomon Pagotan ang pagnenega ng ilang netizens ukol sa P5.2-M na kinita ng kanilang pelikulang My Sassy Girl sa first day.

Post nito sa kanyang Facebook account, “Bakit ang bitter sa tagumpay ng iba? Kasi hanggang diyan ka nalang sa buhay. Sa ibaba.”

At kahit may mga taong nagnenega, lalong dumarami ang nanonood, kaya naman nadagdagan pa ang cinema na pinaglalabasan nito na more than 200 cinemas at lumalaki pa ang kita.

Sa birthday blockscreening nga ni direk Fifth na naimbitahan ang inyong lingkod para manood, ay dito namin napatunayan na napakaganda ng pelikula. Matatawa ka, maiiyak at kapupulutan ng aral, lalo na sa mga taong umiibig, nasaktan, nagparaya, nag-move on, at umibig muli.

Kitang-kita namin ang pagtawa, kilig, at pagluha ng mga taong nanood sa ilang mga eksena. Bukod pa ang  napakahusay na pagganap nina Toni Gonzaga at Pepe Herrera na swak na swak ang tandem.

About John Fontanilla

Check Also

Rufa Mae Quinto

Rufa Mae sa Pilipinas muli maninirahan

MA at PAni Rommel Placente HINDI biro ang mga pinagdaanang pagsubok ng komedyanang si Rufa …

Jace Salada

Jace Salada bibida sa Sa Aking Mga Anak 

MATABILni John Fontanilla NAPAKA-BIBO ng batang actor at isa sa host ng award winning children …

Ahtisa Manalo

Ahtisa nakakuha ng 7k votes sa Quezon (Kahit nag-withdraw na)

MATABILni John Fontanilla BAGAMAT nag-withdraw sa kanyang kandidatura bilang konsehal sa Candelaria, Quezon ang Miss …

VMX Karen Lopez

Missing Vivamax star lumutang na, nagpaliwanag sa socmed account

SA ANUNSIYO ng Quezon City Police District (QCPD) na kanilang iimbestigahan ang sinasabing pagkawala ng …

Liza Diño Ice Seguerra Dr Anton Juan Choosing A Stage Play

Liza at Ice may inamin sa Choosing (A Stage Play)  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPANG na ipinakita ng mag-asawang Liza Diño Seguerra at Ice Seguerra …