ILANG netizens ang naglabas ng kanilang saloobin at karanasan sa reklamo ng isang consumer na nakabili ng frozen chicken na may uod (maggot) sa Dali, isang convenience store sa Molino, Bacoor City sa lalawigan ng Cavite.
Ayon sa Facebook page na Pinoy Rap Radio, may isang consumer na nag-post na may uod ang binili n’yang frozen chicken sa nasabing convenience store pero kamakailan lang.
Nag-alala ang netizen dahil hindi siya naging mabusisi noong una kaya inisip niyang naka-consume sila ng chicken na may uod.
Dinagsa ng mga comments ang post ng Pinoy Rap Radio ng iba-ibang karanasan ng mga kustomers sa mga sablay na produktong ibinibenta sa Dali.
Isang netizen ang nagsaad na hindi ligtas ang frozen chicken sa mga convenience store dahil kapag magkauod umano ay hinuhugasan lang at saka muling ibinabalik sa freezer.
Isang netizen mula Batangas ang nagsabing hindi nga maayos ang frozen chicken sa Dali dahil nakabili sila ng luma at maamoy na kaya itinapon na lang nila.
Ayon sa ilang netizens, mura nga ang bilihin sa Dali pero mukhang mapapadali naman ang pagbagsak ng kanilang kalusugan at posibleng ikamatay kapag nalason o nag-diarrhea.
Isa sa mga netizen ang nag-comment na luma na ang isyu pero hindi niya sinabi kung naresolba o nainspeksiyon ng mga kaukukang ahensiya ng pamahalaan.
Anang netizens, “dapat mainspeksiyon ang mga freezer ng nasabing convenience store dahil baka may nananahan nang mga maggots sa loob nito.
Ayon sa pag-aaral, ang flystrike o myiasis, ay isang kondisyon na ang langaw ay nangingitlog sa balat o body cavities ng manok, at doon napipisa ang larvae na kumakain sa tissues ng manok. (HNT)