Monday , August 11 2025
SeniorDigizen Globe

Seniors binigyang kaalaman sa digital skills sa #SeniorDigizen campaign ng Globe

BAKAS sa mukha ni Lola Erlinda Menor, 75, ang saya matapos makilahok sa #SeniorDigizen learning session na pinangunahan ng Globe kamakailan, na natuto siya tungkol sa digital technology.

Sa edad kong ito, very thankful ako. Ako ay 75 years old ngayon, still moving at masigla. At ayun nga, nadagdagan ang knowledge ko sa digital na mga impormasyon. Napakagandang bagay para sa amin ito. Ito ay malaking tulong sa amin. At hindi lang sa akin. Kumbaga, maibabahagi ko ito sa aking mga ka-senior na hindi rin alam ng iba. Mabibigyan ko rin sila ng knowledge na nalaman natin dito sa programang ito,” ani Menor.

Isa si Menor sa 200 senior citizens mula Metro Manila na nakilahok sa  unang Teach Me How to Digi  Learning Session ng Globe noong January 25, 2024, na layong tulungan ang mga lolo at lola sa bansa na makasabay sa digitalization journey.


Sa learning session na ito, tinuruan ang mga senior kung paano gumamit ng smartphone, GMail, GCash, at KonsultaMD, na magagamit nila para mapagaan ang araw-araw na pamumuhay.

Napakaganda at napakalinaw ng mga sinabi. Nakaka-impress. At saka para sa mga senior, napakalaking bagay itong programa na ito dahil alam niyo naman mga senior, may mga senior moments. Ngayon, napapadali natin mga bagay na mahirap gawin. Dahil digital na nga, mabilis na ngayon ‘yung pagbayad sa bills, pag-communicate sa mga doktor,’di ba? Tapos makipag-communicate sa mga kaibigan. Napakalaking bagay para sa amin ngayon, dahil dito sa Senior Digizen [campaign] ng Globe,” ani Menor.

Ayon naman kay Enrique dela Paz, 64, isang retired seaman mula Pasig City, mahalaga ang digital skills para mas mapadali ang mga gawain.

Masaya na at least naiimbitahan kami na matuto maski na nasa ganitong edad na. Napapaabot para sa amin ang teknolohiya. Masaya!” aniya.

Para naman kay Eulenia Jerez, 71, masayang matuto ng digital skills dahil kadalasan ay hirap ang mga senior na sumabay sa makabagong teknolohiya.

Siyempre ‘yung mundo ng digital, mahirap para sa amin ‘yan, dahil kami ay ‘di nagsimula riyan. Ang magpaturo ay mahirap din. Pero gusto namin ma-enjoy. Alam mo ‘yung tipong sila nga marunong, tapos ako hindi. Nagsisikap akong mag-aral kapag ganon dahil alam kong need ng panahon,” ani Jerez.

Aniya, ang digital skills ay makatutulong sa kanya para gampanan ang tungkulin bilang isang community volunteer: “Doon ako masaya, basta marami akong napaglilingkuran na ibang tao. Wala akong itinatago sa puso ko na kapalit, basta makapag-serve ako sa kanila. ‘Yan ang importante para sakin.”

Ang #SeniorDigizen campaign ay bahagi ng pagtutulak ng Globe sa digital inclusion. Layunin nitong tulungan ang seniors na alisin ang takot, pangamba, at maling akala tungkol sa digital technology, at para rin protektahan sila sa mga peligro online.

Sa panahong ito, ang digital skills ay hindi na maaaring isawalang bahala. At para sa Globe, kailangan lahat ay kasabay sa digitalization dahil maraming benepisyo ang paggamit ng digital technology, lalo na sa seniors,” ayon kay Yoly Crisanto, Chief Sustainability and Corporate Communications Officer ng Globe Group.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MTRCB

MTRCB nakapagribyu ng mahigit 11,000 materyal nitong Hulyo 2025

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ALINSUNOD sa mandatong itaguyod ang responsableng panonood at matiyak ang …

Richard Quan How To Get Away From My Toxic Family

Richard Quan, ratsada sa sunod-sunod na projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAPAPANOOD ngayon ang veteran actor na si Richard Quan sa …

Bela Padilla JC Santos Kyle Echarri 2

Kyle pressured sa pag-entra sa loveteam nina JC at Bela

NAG-HIT ang pelikulang minahal ng mga manonood, ang 100 Tula Para Kay Stella. Makalipas ang walong …

Sid Lucero Bea Binene PostHouse Mikhail Red

Sid at Bea haharapin halimaw ng mga sarili

INIHAHANDOG  ng Viva Films at Evolve Studios ang pinakaunang full-length film ni Nikolas Red, kasama ang kapatid na si Mikhail Red bilang creative …

Lito Lapid

Sen Lito nagpaliwanag boto sa impeachment case ni VP Sara

NANAWAGAN si Sen Lito Lapid na irespeto ang desisyon ng Supreme Court, magkaisa para sa katahimikan at …