Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jonica Lazo

Jonica Lazo, game mag-frontal nudity!

DIRETSAHANG sinabi ng Vivamax sexy actress na si Jonica Lazo na liberated siya pagdating sa sex. Kaya naman sapaggawa ng sexy movies, palaban at wala raw limitasyon ang dalaga.

Esplika niya, “I dont have limits po sa pagpapa-sexy. I think it’s not an issue naman po if I can show how much as I can po, eh. Alam ko naman po kasi ang work na pinasok.”

Si Jonica ay 23 years old, graduate ng Com Arts sa Angelicum College at mina-manage ng actor na si Jay Manalo.

Bukod sa katakam-takam niyang wankata, flawless at panlaban ang taglay na beauty ng sexy actress.

Unang nabinyagan si Jonica  sa maiinit na eksena sa pelikulang Higop, starring Angelica Hart, Josef Elizalde, at Fabio Ide, directed by Topel Lee.

Ano ang ipinasilip niya sa kanyang unang Vivamax movie?

Tugon ni Jonica, “Ipinasilip ko po actually lahat, ang aking butt, boobs… I don’t use plaster po, kasi ganoon din kasi eh, makikita rin naman nila lahat. So, why I should worry pa po, hindi ba? As much as I can po, I can do very daring scenes.”

Bakit Higop ang title ng movie nila?

Aniya, “Higop po ang title ng movie because it’s about milk tea, shop po siya in the morning and then in the evening nagiging bar siya na ang mga babaeng nagwo-work as milk tea girls is ibinubugaw ng kanilang boss.

“Ako po si Ces sa movie na Higop, asawa ni Gene which is si Van Allen Ong. Naka-love scene ko po rito si Noah na ginampanan ni Josef Elizalde.”

Kinabahan ba siya sa love scene nila ni Josef?

“Actually hindi po ako kinabahan, kasi at first alam ko po ang pinasok ko na work. So, talagang ginawa ko na lang yung best ko at doon nga rin nagulat sila direk, dahil take one lang ang sexy scene namin doon. Kaya akala nila matagal na ako sa Viva.”

Anong klase ba siyang lover?

“Sobrang sweet and caring po akong maging lover, lahat ibibigay ko talaga hanggang sa makakaya ko, para sa minamahal ko,” nakangiting sambit pa ni Jonica.

Sino naman ang itinuturing niyang sexiest local actor?

“Si Derek Ramsay po para sa akin ang sexiest local actor. Kasi ang masculine niya and malakas ang dating,” nakangiting pahayag pa ni Jonica.

First big break niya raw ang pelikulang Higop.

Aniya, “Yes po, first break, but before po nag-eextra ako lagi. May role na friend ng mga artista.. ganoon po, before pa ako maging Viva artist po.”

Kung bibigyan ng launching movie, game ba siyang mag-frontal nudity?

“Yes po, may movie na po ako na may frontal nudity, bawal pa lang po I-disclose. Pero isang sikat na actor po ang kaeksena ko rito,” sambit pa ni Jonica.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …