Sunday , December 22 2024
Private Convos with Doc Rica MTRCB

MTRCB ipinagbawal pag-ere ng Private Convos with Doc Rica 

PINATITIGIL ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pag-ere ng Private Convos with Doc Rica sa One News Cable Channel

Kahapon, Enero 30, ipinagbawal ng MTRCB ang pag-ere ng Private Convos with Doc Rica dahil sa pagpapalabas nito ng episode na labag sa alituntunin ng MTRCB rating.

Sa desisyon ng MTRCB noong Enero 24, sinabi nitong: “Ipinagbabawal ng MTRCB ang programang pantelebisyon na ‘Private Convos with Doc Rica’ ng exportasyon, pagkopya, distribusyon, benta, upa, eksibisyon, at/o pag-ere sa lahat ng platform ng media sa ilalim ng hurisdiksiyon ng MTRCB, epektibo sa oras na naging pinal ang desisyon.”

Sa Incident Report na isinumite ng Monitoring and Inspection Unit (MIU) kay MTRCB Chairperson noong Agosto 24, 2023, ng Private Convos with Doc Rica na ineere sa One News Cable TV ng Cignal TV, iginiit na ang episode ay naglalaman ng mga usapin, ng mga karanasan at mga sekswal na pantasya, kasama na ang paggamit ng hindi angkop na wika.

Nakatanggap din ang Board ng mga reklamo laban sa programa, na karamihan ay mula sa mga magulang.

Isang Notice to Appear ang inilabas noong Setyembre 28, 2023, na nag-uutos sa mga respondent na tumestigo sa MTRCB Hearing and Adjudication Committee.

Nagpadala ang mga respondent ng kanilang kinatawan at inutusan sila ng MTRCB na magsumite ng kanilang position papers.

Matapos ang masusing pagsusuri sa kaso at ng mga position paper, napatunayang nilabag ng programa ang probisyon ng batas, partikular ang Seksyon 3 (c) ng Presidential Decree No. 1986 (PD 1986) at Seksyon 2, Kabanata IV, kaugnay ng Seksyon 8, Kabanata V ng Implementing Rules and Regulations ng PD.

Mariing niresolba ng MTRCB na ang format ng programa ay naglalaman ng detalyadong tema sa sexual awakening ng mga bisita nito, na humantong sa tahasang pagkukuwento ng maselang karanasan, at gumamit pa ng mga wika na hindi angkop sa telebisyon.

Sinabi ni MTRCB Chairperson at Chief Executive Officer, Lala Sotto: “Mariin nating kinokondena ang anumang malinaw na paglabag sa batas. Kaakibat ng malayang pagbrodkas ang responsibilidad. Hinihiling namin sa mga brodkaster at content creators na maging maingat at responsable sa kanilang mga proseso ng paglikha, na kumikilala sa impluwensiya ng on-screen content.”

Ipinasya ng MTRCB na ang nilalaman ng episode na may mga tahasang termino, kasama ang magaspang na aksiyon at mga ekspresyon ng host at ng mga bisita niya, sa konteksto ng programa, “ay nabibilang sa mga materyales na nakatutukso sa malaswang pananaw ng karaniwang tao.”

Bukod dito, hindi sang-ayon ang Board sa pahayag ng mga respondent na ang programa, sa kabuuan, ay may “edukasyonal at social value.”

Sinabi rin ng Board ang kahalagahan ng pagiging angkop ng medium at timeslot para sa pagpapalabas, anuman ang nilalaman ng mga episode, lalo na ang mga maseselang usapan tungkol sa mga karanasang sekswal at ang paggamit ng hindi angkop na wika.

Iginiit din ng Board ang hindi pagsunod ng mga Respondent sa MTRCB Rating na labag sa Seksyon 2, Kabanata IV kaugnay ng Seksyon 8, Kabanata V ng PD 1986.

“Ang mga Respondent ay nagkulang sa kanilang obligasyon sa pag-ere ng nabanggit na television program sa loob ng Child-Viewing Hours, kahit na idinidiin nila na ang Subject Episodes ay ginamit lamang bilang fillers sa hapon,” anang MTRCB.  “Hindi tumalima ang mga Respondent sa mga gabay ng MTRCB Rating ng TV program kahit na alam nito na hindi ito angkop para sa kabataang manonood,” sabi pa.

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …